14/08/2025
PAANO NGA BA KUMUHA NG BAHAY?
Bale ganito po ang process ng pagkuha ng bahay.
Una po, sumama kayo sa free viewing.
Pagka nagustuhan niyo na po ang bahay, first step is to reserve yung bahay. Ang requirements po para makapag pareserve ng bahay ay 2 valid id, payslip po pagka empleyado kayo, or job contract pagka naman po ofw, pagka po may business naman - yung Business permit together with ITR po from BIR. Pagka nareserve niyo na po yung unit, ang susunod na step po ay downpayment or equity. Bale po kasi ang mangyayare, hihiramin po natin yung pera pambili ng bahay kay pagibig or sa bank. Kunware po 1Million ang total price niya, hihiramin natin yung 900,000 sa pagibig, yung remaining na 100,000, yun po yung tinatawag na downpayment or equity. Kayo po ang magbabayad non direcho sa developer or sa kukuhanan natin ng bahay. Yung 100k pwede sya i-divide ng ilang buwan, yung iba 12 motnhs, 15 months, 18 months or 24 months, kaya gumagaang po. Wala pong isang bagsak na downpayment. Ngayon po, pagka tapos niyo na po bayaran ang downpayment at gawa na din po ang bahay, uutangin na po natin yung 900,00 sa pagibig at sa bank. Kami na po ang magpprocess non, hihingi lang po kami ng mga requirements sa inyo at kami na ang magpprocess non. Pagka naapprove na po ng pagibig(6 to 8 months processing after mo bayaran downpayment at gawa na ang bahay, habang inaantay po ito, stop payment muna po kayo) then pwede na kayo makalipat. Pagka nakalipat na po kayo, don na po mag start yung monthly po ninyo na mga 5k per month or 2 to 3k per month, depende sa laki ng loan ninyo at sa nakuha ninyong bahay.
Ulitin ko po ang process, una reserve the unit, 2nd bayaran ang downpayment at antayin magawa ang bahay, 3rd: iloan sa pagibig or bank(kami na magprocess, hingi lang kami requirements), 4th pagka approve lipat na po at mag monthly na po kayo.
Yung computation po dyan, iba iba po yun ha. Hindi po yun fixed, depende sa bahay na kukuhanin ninyo, may iba na ang downpayment lang ay 20k, may iba 50k, iba iba po.pwede po bayaran ang downpayment ng ilang buwan para gumaan po ang down.
ANO ANO NGA PO BA ANG MGA KAILANGAN PARA MAKAKUHA NG BAHAY. (yung mga requirements na ito ay ipapasa pa 30 days after mo mag reserve ng bahay)
Una sa reservation po, 2 valid ID, job contract if ow, payslip if locally employed, ITR if may business)