18/08/2026
Habang ang mga ordinaryong Pilipino ay lumulubog sa baha, may mga taong tila yumayaman sa perang dapat sana’y ginamit para protektahan ang buhay at kabuhayan ng mamamayan. Ang tinatawag na ghost projects ay hindi lamang pagkukulang—ito ay pagtataksil sa tiwala ng bayan.
Bawat tahanang binaha, bawat kabuhayang nawala, at bawat pamilyang nagdusa ay paalala: ang perang ninakaw sa bayan ay may katumbas na pagdurusa ng mamamayan.
LUBOG ANG BAYAN. UMAHON ANG KATARUNGAN. PANAGUTIN ANG MAY SALA.