May 30, 2022 | Mensahe ng Punong Bayan sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan
Sa loob ng 9 na taon o tatlong termino tayo ay nagsama-sama at nagkakaisa sa anumang hirap, mga pagsubok, sa saya, sa pandemya, sa baha at kalamidad.
Sa pagtatapos ng aking ikatlong termino bilang inyong Punong Bayan ay babalik ako sa aking pribadong buhay, at sa aking permanenteng titulo bilang mas kilala at minahal ninyo na Doc Jess.
Nagpapasalamat ako sa lahat ng sumuporta at patuloy nagpaparamdam ng pagmamahal sa akin, sa aking kapatid at sa aming buong pamilya.
Makaka-asa kayo na ang ating samahan at pagkakaibigan na nabuo sa mga taon na lumipas ay mananatili sa aming mga Puso at isipan.
Mananatili ang aking pagmamahal at pagpapahalaga sa ating Bayan Calumpit at sa bawat Kalumpitenyo.
God bless Calumpit!
#Toloveandserve
#GodBlessCalumpit
2022 Ulat ng Punong Bayan (Episode 02)
2022 Ulat ng Punong Bayan (Episode 02)
Ang pagpapatuloy at ikalawang bahagi ng Ulat ng Punong Bayan para sa araw-araw na gampanin ni Mayor Jessie P. De Jesus para sa kanyang huling termino ng panunungkulan bilang Punong Bayan at ang mga programa at proyekto nagawa at ginawa ng Pamahalaang Bayan sa kanyang pamumuno bilang Ama ng ating Bayan at kung paano hinarap ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit na masolusyunan ang mga sitwasyon at problema na kinaharap ng ating Bayan sa panahon ng Pandemya.
#ToLoveandServe
#GodBlessCalumpit
2022 Ulat ng Punong Bayan (Episode 01)
2022 Ulat ng Punong Bayan (Episode 01)
Ating alamin ang araw-araw na gampanin ni Mayor Jessie P. De Jesus sa huling termino ng kanyang panunungkulan, ang mga programa at proyekto nagawa at ginawa, at kung paano hinarap ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit na masolusyunan ang mga sitwasyon at problema na kinaharap ng ating Bayan sa panahon ng Pandemya.
Bukas (March 13) naman sa ganap na 10AM ay abangan ang Episode 02 ng 2022 Ulat ng Punong Bayan.
#ToLoveandServe
#GodBlessCalumpit
Kalumpitenyo, sa Darating na Sabado at Linggo sa ganap na 10AM ay ating sama-samang panoorin ang 2022 Ulat ng Punong Bayan.
Ating alamin ang araw-araw na gampanin ni Mayor Jessie P. De Jesus sa huling termino ng kanyang Panunungkulan at kung paano hinarap ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit na masolusyunan ang mga sitwasyon at problema na kinaharap ng ating Bayan sa panahon ng Pandemya.
Abangan yan' ngayong March 12 at 13, 2022 sa Municipality of Calumpit page.
#Toloveandserve
#GodBlessCalumpit
Ang pagbati at pakikiisa ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating butihing Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus sa pagdiriwang ng ika-10 taong Anibersaryo ng Alpha Kappa Rho Calumpit Council.
Maraming Salamat sa inyong palagiang pagtulong at pagsuporta sa mga programa at proyekto ng ating Bayan, Nawa'y patuloy maging katuwang ng Pamahalaang Bayan ang inyong Kapatiran sa mga pagkilos at pagtulong sa ating mga kababayan.
Maligayang Anibersaryo Akrho Calumpit!
#Toloveandserve
#GodBlessCalumpit
#MayorJessieVideo 018 | Senior Citizens na nagdiwang ng Nonagenarian Kaarawan
Pagkilala at pagpapahalaga ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating masipag at maaasahan na Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus sa ating mga minamahal na SENIOR CITIZENS na nagdiwang ng NONAGENARIAN Kaarawan.
Personal na binisita at iniabot ang Sertipiko ng Pagkilala at Cash grant bilang insentibo na sinaksihan ng kanilang mga mahal sa buhay.
Brgy. Sucol - Celia Puno
Brgy. Poblacion - Juanita Reyes
Brgy. Corazon - Aurelia Mercado
Brgy. Corazon - Gregoria Ibanez
Brgy. Balungao - Rosario Vivar
Brgy. San Jose - Andres Pangilinan
Lakip ang pagmamahal at ang taos-pusong dalangin sa Panginoong Diyos na sila ay magsilbing inspirasyon ng mabungang pamumuhay bilang isang natatanging mga Kalumpitenyo para sa ating mga Kabataan.
#Toloveandserve
#GodBlessCalumpit
#MayorJessieVideo 017 | Senior Citizens na nagdiwang ng Nonagenarian Kaarawan
Pagkilala at pagpapahalaga ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating masipag at maaasahan na Punong Bayan, Mayor Jessie P. De Jesus sa ating mga minamahal na SENIOR CITIZENS na nagdiwang ng NONAGENARIAN Kaarawan.
Personal na binisita at iniabot ang Sertipiko ng Pagkilala at Cash grant bilang insentibo na sinaksihan ng kanilang mga mahal sa buhay.
Brgy. Poblacion - Leonora Gatchalian
Brgy. Caniogan - Florencia Espino
Brgy. Calumpang - Julia Faustino
Brgy. Pio Cruzcosa - Isabel Gagarin
Brgy. Calumpang - Romana Villarta
Brgy. Pio Cruzcosa - Narcisa Bautista
Brgy. Balite - Natalia M. Enriquez
Lakip ang pagmamahal at ang taos-pusong dalangin sa Panginoong Diyos na sila ay magsilbing inspirasyon ng mabungang pamumuhay bilang isang natatanging mga Kalumpitenyo para sa ating mga Kabataan.
#Toloveandserve
#GodBlessCalumpit