22/09/2025
"๐ผ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ง๐ ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐๐๐๐ฌ๐ ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ฉ๐ง๐๐๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ ๐ก๐๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐ ๐ค๐ง๐๐ฅ๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐๐ฎ ๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ ๐จ๐ ๐ ๐๐ฉ๐๐ฌ๐๐ก๐๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฌ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐ค๐ฃ๐๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ." - Calumpit Mayor Lem Faustino
Mariin nating kinokondena ang desperadong paninira at pagpapakalat ng maling impormasyon ng ilang mga indibidwal sa social media, mga kasabwat nila at tagapagtanggol ng mga taong responsable sa maanomalyang paggamit ng pondo para sa mga flood control projects.
Nais naming linawin na may mga kumakalat na retrato na kinuha mismo mula sa aming opisyal na page, at pilit na ginagamit upang palabasin na kami ay may kaugnayan o koneksyon sa mga personalidad na iniuugnay sa isyu ng korapsyon. Ang mga larawang ito ay kuha sa mga pampublikong aktibidad kung saan normal lamang na may pagkakataong makasama ang ilang dating opisyal ng DPWH, pati na rin ang ilang senador. Wala sa mga kuhang ito ang nagpapatunay ng pakikibahagi o pagkakasangkot natin sa anumang anomalya.
Tahasang naming sinasabi: Wala po tayong kinalaman o nalalaman sa anumang maanomalyang transaksyon kaugnay ng flood control projects. Ang mga proyektong ito ay hindi kailanman dumaan sa lokal na pamahalaan. Mula sa pagpaplano hanggang sa implementasyon, ito ay direktang isinagawa ng pambansang pamahalaan, partikular ng DPWH.
Sa gitna ng kontrobersyang ito, hinahamon natin ang mga napangalanang sangkot sa mga iregularidad at anomalya na harapin ang taong bayan, magpaliwanag, at panagutan ang mga isyu.
Huwag kayong magtago sa likod ng mga taong ginagamit lamang para manira, manlinlang, at magpakalat ng kasinungalingan. Karapatan ng mamamayan ang malaman ang buong katotohanan. Nakakabingi ang inyong katahimikan.
Kaugnay nito, hinihimok natin ang ating mga kababayan na maging mapagbantay, mapanuri, at mapagmatyag sa mga impormasyong kanilang natatanggap โ lalo na sa social media. Tiyaking beripikado at galing sa lehitimong sources ang mga balita. Huwag maging kasangkapan sa pagpapalaganap ng kasinungalingan.
Itigil na ang pagpapakalat ng fake news. Pananagutin sa batas ang sinumang mapapatunayang naninira sa pamamagitan ng maling impormasyon.
Sa halip na mag-away-away, mas makabubuting magsama-sama tayo sa pagtutok sa tunay na isyu: ang paniningil sa mga tunay na sangkot sa anomalya, at ang pagtataguyod ng katotohanan at malinis na pamahalaan.
Labanan natin ang kasinungalingan.
Ipaglaban natin ang katotohanan.