04/07/2026
After ng sobrang dikit na laban ng Gilas, ang unang ginagawa ng ibang tao ay maghanap ng masisisi kaysa i-appreciate kung gaano kalaki ang ipinakita ng team laban sa world-class competition.
Ngayon, si Kai Sotto ang puntirya ng iba. Kesyo hindi raw nag-commit o dapat naglaro. Pero isipin natin, noong naglalaro siya, isa rin siya sa mga pinaka-binabatikos. Ngayong wala siya, siya pa rin ang sinisisi. Ibig sabihin, minsan kahit ano ang gawin ng isang tao, may masasabi at masasabi pa rin ang iba.
Ang totoo, ang pag-represent sa national team ay isang malaking karangalan, pero may mga personal na desisyon at responsibilidad din ang bawat atleta. Kung pinili ni Kai ang ibang commitment, choice niya iyon. Bilang fans, maaari tayong hindi sumang-ayon, pero hindi ibig sabihin noon na kailangan na natin siyang husgahan o ibuhos sa kanya ang lahat ng sisi sa naging resulta ng isang laro.
Naiintindihan ko rin ang frustration ng maraming Pilipino. Lahat tayo gusto nating manalo ang Gilas. Pero minsan, kapag nauuna ang emosyon, napapasobra na ang paninisi at nakakalimutan na natin ang respeto sa mga atleta na ilang taon ding nagsakripisyo para makarating sa puntong ito.
Ito ang isa sa mga kulturang kailangan nating baguhin. Normal ang magbigay ng opinyon, pero iba ang constructive criticism sa puro paninisi at personal na pambabash.
Ang lesson? Gawin mo kung ano ang alam mong tama at kung ano ang nagbibigay sa'yo ng purpose at saya, hindi para maplease ang lahat ng tao. Dahil ang totoo, may mga taong hahanap at hahanap pa rin ng mali kahit ibigay mo na ang lahat.
At para sa atin bilang supporters, bago tayo manghusga, tingnan muna natin ang effort, sakripisyo, at pusong ibinibigay ng bawat atleta. Minsan, mas kailangan nila ng suporta kaysa paninisi. Hindi man tayo laging sang-ayon sa bawat desisyon nila, pero respeto pa rin ang dapat manaig.