15/10/2024
Alam nyo ba mga tropa na ito ang pinakamalaking napreserba o na fossilized na tae ng isang tao na natagpuan. Ito ay mula umano sa isang Viking na may sakit noong ika-9 na siglo AD at ngayon ay nagkakahalaga na ito ng $39,000 o P2,246,088 sa kasalukuyang halaga.
Ang malaki o mahalagang tae na ito ay opisyal na tinatawag na "Lloyds Bank Coprolite". Ang salitang "coprolite" ay nangangahulugan lamang ng lumang pataba o dumi.
Ito ay nasa 1,200 taong gulang ayon sa mga eksperto.
Ang 8-inch-long at 2-inch-wide specimen ay natagpuan noong 1972 ng mga construction worker sa York, hilagang-kanluran ng England, habang sila ay nagtatayo ng isang opisina ng Lloyds TSB. Ang lugar ay dating pinamumunuan ng mga mandirigmang Norse. Ang pangalan nito ay nagmula sa bangkong "Lloyds Bank".
More information about this fossilized p**p:
https://en.wikipedia.org/wiki/Lloyds_Bank_coprolite
https://explorersweb.com/fossilized-viking-poo-worlds-most-valuable-excrement/