17/08/2025
๐๐. ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Matapos ang isang gabi ng kagandahan, talino, at husay, itinanghal bilang Bb. Camalaniugan 2025 ang kandidata mula sa Barangay Catotoran Norteโang bagong reyna na sumasalamin sa kariktan, katalinuhan, at pusong may malasakit.
Itinanghal namang Bb. Kalikasan 2025 ang kandidata mula sa Barangay Dammang Sur, at Bb. Turismo 2025 ang kinatawan ng Barangay Ziminila, bilang sagisag ng yaman at kultura ng bayan.
Samantala, kinilala ang kandidata mula sa Barangay Luec bilang Unang Karangalan (1st Runner-Up) at ang kandidata mula sa Barangay Baggao bilang Ikalawang Karangalan (2nd Runner-Up).
Sa pagtatapos ng koronasyon, muling pinatunayan ng mga binibini na higit pa sa korona ang tunay na diwa ng Bb. Camalaniuganโisang pusong naglilingkod, diwang matatag, at kagandahang nagbibigay-inspirasyon sa buong pamayanan.