05/10/2023
Pwerteng sirammmm
Solusyon sa Pasma, Binat at Lamig:
Ang mga nabanggit na paraan sa baba ay ginagawa ng mga ninuno natin noong unang panahon na hindi pa nauso ang mga komersyal na gamot/synthetic na gamot. Ginagawa ito upang mawala ang tinatawag na PASMA, BINAT AT LAMIG na syang kadalasang sanhi ng sakit ng ulo,katawan at pamamaga ng ugat.
Sangkap:
7 dahon ng sambong
7 dahon ng suha
7 dahon ng avocado
7 dahon ng mangga
7 dahon ng bayabas
7 kutsarang asin
7 pulgada ng luya
7 tangkay ng tanglad(lemon grass)
7 kutsarang totong na kanin
(Pakuluan ng 20-30 minuto )
Paraan:
1. Dalhin sa loob ng kwarto ang bagong pakulo na halamang gamot.
2. Kumuha ng silya na may butas2x ang upuan.
3. Ilagay sa ilalim ng upuan ang bagong pakulo na halamang gamot.
4. Umupo sa silya na walang damit at ibalot ang sarili sa kumot kasama ang silya at ang kasirolang may laman ng halamang gamot.
5. Dahan-dahang buksan ang kasirola upang sumingaw ang init. Maaaring kalahati muna ng takip ang buksan.
6. Kapag hindi na gaanong mainit ang pinakuluan, tanggalin na ang takip at patuloy ang pagsuob hanggang magpawis ang iyong katawan.
7. Kapag wala ng init maaari ng magpalit ng damit (medjas,panjama at sweater)
8. Uminom ng kalahating tasang kape na mais o sinangag na bigas na walang asukal o tsaa.
9. Magpamasahi o magpahilot mula paa hanggang ulo.
10. Pagkatapos magpahilot uminom ulit ng kalating tasa ng mais na kape at hwag munang lumabas ng kwarto o mag pahangin sa loob ng 2 oras.
Paalala:
• kailangang gawin ito sa saradong kwarto kung saan walang hangin ang papasok.
• Sikaping hindi muna mabasa ng tubig ang buong katawan sa loob 24 oras.
Naway makatulong ito sainyo.
© Healthy Guides