Rapido Media Production Dwrr 103.5 News Fm and Online Radio

Rapido Media Production Dwrr 103.5 News Fm and Online Radio Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Rapido Media Production Dwrr 103.5 News Fm and Online Radio, Radio Station, Quirangay, Camalig.

This Page is For News and Public Affairs Program & Music Entertainment Only
Owned and Manage By Rapido Media Production Under The Name of CEO Jayroll"Aguila" Trinidad Baile

APAT NA KAGAWAD NG BARANGAY SAN ROQUE SA TABACO CITY, SINUSPINDE NG SANGGUNIANG PANLUNGSODTabaco City — Sinuspinde ng Sa...
31/07/2026

APAT NA KAGAWAD NG BARANGAY SAN ROQUE SA TABACO CITY, SINUSPINDE NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD

Tabaco City — Sinuspinde ng Sangguniang Panlungsod ng Tabaco City ang apat na kagawad ng Barangay San Roque matapos silang mapatunayang nagkasala ng simple misconduct.

Ang mga sinuspinde ay sina Cherrel Binalla, Rodel Bonaobra, Mark Anthony Balingbing, at Jonathan Broqueza. Batay sa naging desisyon ng Sangguniang Panlungsod, sila ay pinatawan ng isang buwan at isang araw na suspensiyon na walang kaukulang kompensasyon.

Nag-ugat ang kaso sa reklamong inihain ni Elias 'Toto' Bobiles Jr., Punong Barangay ng San Roque. Ayon sa reklamo, ang apat na kagawad ay hindi na dumadalo sa mga flag raising ceremony ng barangay at hindi rin tumutupad sa kanilang nakatakdang tungkulin bilang Officer of the Day.

Ayon sa Sangguniang Panlungsod, ang kaparusahan ay ipinataw matapos mapatunayan sa isinagawang pagdinig na nagkaroon ng paglabag ang mga respondent sa kanilang mga tungkulin bilang mga halal na opisyal ng barangay.

//Jayroll"aguila"Baile// Rapido Media Production Dwrr 103.5 News Fm and Online Radio



27/07/2026
26/07/2026

Sarong Ama hinostage an sadiring Pamilya sa Libon Albay




24/07/2026

Mensahe ng Isang “Ina Ti Umili” para sa MR-SIA 2026

Ang bawat bata ay may pangarap, at ang bawat pangarap ay nararapat protektahan.

Isang simpleng bakuna ngayon ang maaaring magligtas ng buhay at magbigay ng ligtas na kinabukasan. Bilang mga magulang, ang ating pagmamahal ay naipapakita sa bawat hakbang na ginagawa natin upang mapanatiling malusog ang ating mga anak.

Pakinggan ang Mensahe ng Suporta ng ating Ina at Katulong ti Umili, Hon. Evangeline I. Verzosa, na nakikiisa sa Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) 2026.

Bakuna ngayon. Proteksyon habang buhay. Para sa bawat batang Tagudin.




23/07/2026

PANOORIN: Kaugnay ng pagdiriwang ng Police Community Relations Month 2026, ating alamin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa Nihilistic Violent Extremism (NVE) at kung paano ito maaaring makaapekto sa mga kabataang gumagamit ng social media at internet.

Paano natin malalaman kung ang ating mga anak ay unti-unti nang nahuhumaling sa NVE sa pamamagitan ng internet? Paano natin sila mapoprotektahan laban sa impluwensiya nito? At kung nakikitaan na sila ng mga palatandaan, ano ang nararapat na hakbang upang mabigyan sila ng angkop na tugon?

Sa bidyong ito, tinatalakay ni Police Lieutenant Carl Michael C. Camba, Officer-in-Charge ng Digital Forensic Section ng Regional Anti-Cybercrime Unit 5 RACU 5 ng Police Regional Office 5, ang mga mahahalagang kaalaman tungkol sa usaping ito.




BARANGAY SECRETARY NA NAHAHARAP SA KASONG FALSIFICATION, NALAMBAT NG KAPULISANIsang Barangay Secretary ang inaresto mata...
23/07/2026

BARANGAY SECRETARY NA NAHAHARAP SA KASONG FALSIFICATION, NALAMBAT NG KAPULISAN

Isang Barangay Secretary ang inaresto matapos na ilabas ng korte ang warrant of arrest para sa kasong Falsification by a Public Officer bandang alas dose diyes ng tanghali nitong Hulyo 22, 2026.

Bitbit ang mandamyento de aresto, tinungo ng mga tauhan ng Rapu-Rapu Municipal Police Station sa direktang superbisyon ni PMAJ EDWIN B APUN, Acting Chief of Police ang barangay kung saan nakatira ang akusado na kinilala sa alyas na “Rose”, nasa hustong gulang at residente ng kaparehong barangay.

Si “Rose” ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 171 ng Revised Penal Code o Falsification by a Public Officer/Employee na may piyansang umaabot sa Php 72,000.00.

Matapos ipaalam sa akusado ang dahilan ng kanyang pagkaka-aresto at ang kanyang mga karapatan ayon sa Saligang Batas, siya ay dinala sa Rapu-Rapu MPS para sa nararapat na disposisyon at dokumento.

Ayon kay PCOL NOEL DONATO NUÑEZ, Provincial Director ng Albay PPO, ang operasyon ay paalala sa lahat ng mga opisyal ng barangay at iba pang kawani ng gobyerno ang ang posisyon ay para sa paglilingkod, hindi para sa pansariling kapakinabangan o pagtatago ng katotohanan.

“Sa gabay ng adbokasiyang Serbisyong NOEL, ang Albay Kasurog Cops ay patuloy na magsasagawa ng masusing imbestigasyon at operasyon upang panagutin ang sinumang lumalabag sa batas, bilang pagtupad sa ating pangakong panatilihin ang katarungan at kapayapaan sa buong lalawigan, dagdag pa ng opisyal.

Serbisyong NOEL
NARARAPAT, ORGANISADO, EPEKTIBO AT LAGING MAAASAHAN

‎


21/07/2026

It's Time for Afternoon Hugot Line with Dj Mayumi on 103.5 Rapido fm

Address

Quirangay
Camalig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Rapido Media Production Dwrr 103.5 News Fm and Online Radio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share