22/06/2026
๐ ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ ๐ก๐๐ฆ: ๐๐ถ๐ป๐ต๐ถ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ, ๐๐ป๐ถ ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐
Ika nga ng karamihan, ang iyong itinanim ay siya mo ring aanihin. Mula sa binhing namahala ng tapat, ngayo'y umani ng tagumpay na nararapat.
Kamakailan lamang, kinilala at binigyang parangal ang Malacampa National High School bilang isang Functional School Governance Council (SGC) awardee sa naganap na Regional Awarding of Functional SGC and Cap-Build on Expanded School Governance sa Hacienda Garcia Resort and Hotel, Lubao, Pampang nitong ika-19 ng Hunyo. Ang naturang pagkilala ay inanunsyo bilang Division Memorandum No. 232 s. 2026.
Iginawad kay Dr. Reynaldo Doria, Punong-Guro ng mataas na paaralang Malacampa at sa ngalan ng student council ang natamong parangal dahil sa patuloy nitong pagsusulong ng participatory governance, transparency, accountability, pakikilahok ng mga stakeholder, at sama-samang pagpapasya sa pamamahala ng paaralan.
Ang parangal na natamo ng bawat paaralan ay naaayon sa DepEd Order No. 26, s. 2022 o Implementing Guidelines on the Establishment and Functional School Governance Council na naglalayong palakasin ang mabuting pamamahala sa sektor ng edukasyon.
Sadyang kahanga-hanga ang bawat estudyanteng kumakatawan sa mga paaralan at maging ang kanilang mga taga-payo o nagsisilbing kanilang pundasyon para sa mas matatag na kinabukasan at sa sektor ng edukasyon.
Sa buong student council, mga g**o, stakeholders, staffs, at lalong-lalo na sa pinakamamahal na Punong-Guro ng paaralan, Dr. Doriaโpaghanga at pagbati sa isa na namang makabuluhang tagumpay na siya ring bakas ng matagumpay na inyong pamamahala.
Walang duda; angat ang galing, talino, at pagkakaisa ng mataas na paaralang Malacampa. Nawa'y ipagpatuloy ang sumisiklab na diwa ng pagbubuklod, at sa pag-alala ng iisang layunin para sa paaralang may tapat na serbisyo at maunlad na gobyerno.
Binhing kay palad, tagumpay ang naaning patuloy na magniningning.