RBN Digital

RBN Digital Stay updated with real-time news as it happens.

04/11/2025

Nilampasan ng isang malaking sawa na makikitang lumalangoy sa baha ang isang manok na na-trap sa kulungan, sa Purok Maryland, Talisay City, Cebu matapos na tumaas ang tubig sa lugar dahil sa bagyong .

Ipanalangin po natin ang ating mga kababayan na nasalanta ng kalamidad.

Video Credis to Rickamae Manlangit

04/11/2025

Rumagasa ang tubig baha sa Mananga Bridge, Talisay City, Cebu sa kasagsagan ng pananalasa ng Typhoon .

Video credits to Gary Estoconing

Bumagsak ang isang helicopter ng Philippine Army sa Loreto, Agusan del Sur na magdadala sana ng tulong sa mga nasalanta ...
04/11/2025

Bumagsak ang isang helicopter ng Philippine Army sa Loreto, Agusan del Sur na magdadala sana ng tulong sa mga nasalanta ng Typhoon Tino.

Kinumpirma ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ang insidente na kinasangkutan ng military chopper na isang Super Huey, na sasabak sana sa isang Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR).

Nagpapatuloy ang Rescue and recovery operations para sa paghahanap sa mga nawawalang sakay ng aircraft.

📷 PTV AGUSAN DEL SUR

TINGNAN: Iniwang pinsala ng Typhoon Tino sa mga kabahayan na malapit sa Mananga River sa Talisay City, Cebu. Nakatuon ng...
04/11/2025

TINGNAN: Iniwang pinsala ng Typhoon Tino sa mga kabahayan na malapit sa Mananga River sa Talisay City, Cebu.

Nakatuon ngayon ang rescue operations sa mga Barangay ng Biasong at Dumlog kung saan nagtatagpo ang ilog at dagat sa lugar.

Nag-inspeksyon din kaninang umaga si Gov. Pamela Baricuatro sa mga apektadong komunidad upang tingnan ang mga agarang pangangailangan ng mga apektadong residente.

📷 Province of Cebu

BAGYO SA LABAS NG PAR, POSIBLENG MAGING SUPER TYPHOON Isa nang bagyo ang LPA na nasa 1,985 km Silangan ng Northeastern M...
04/11/2025

BAGYO SA LABAS NG PAR, POSIBLENG MAGING SUPER TYPHOON

Isa nang bagyo ang LPA na nasa 1,985 km Silangan ng Northeastern Mindanao sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Inaasahang papasok ang bagyo sa PAR sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga at tatawaging .

May posibilidad na makaipon ng lakas habang tinatahak ang Philippine Sea at maging Super Typhoon sa weekend.

Sa pagtaya ng PAGASA, mayroong tiyansa na mag-land fall ang bagyo.

Source: DOST-PAGASA

Link: https://www.facebook.com/share/p/1BsMM5LcmD/

Nakuryente ang isang lalaking kumukuha lang sana ng pang-ulam na gulay na Ugob (local name) kaninang alas-7 ng umaga sa ...
04/11/2025

Nakuryente ang isang lalaking kumukuha lang sana ng pang-ulam na gulay na Ugob (local name) kaninang alas-7 ng umaga sa Barangay San Isidro, Magarao, Camarines Sur.

Batay sa impormasyon, pumipitas ito sa taas ng puno ng aksidente na madikit sa live wire ng Casureco 2 at nahulog.

Agad naman na rumesponde ang mga tauhan ng MDRRMO Magarao at dinala sa pagamutan ang biktima.

Paalala ng mga awtoridad, maging maingat lalo na kung malapit sa mga kable ng kuryente na lubhang mapanganib. via Radyo Agila Naga

Source: Konsehal Raymund Odida

Sitwasyon sa Talisay City, Cebu dulot ng Typhoon  .(Photos not ours, credits to the rightful owner)
04/11/2025

Sitwasyon sa Talisay City, Cebu dulot ng Typhoon .

(Photos not ours, credits to the rightful owner)

Sa drainage canal pansamantalang kumanlong ang ilang pamilya sa Dinagat Islands mula kagabi dahil sa banta ng Typhoon  ....
03/11/2025

Sa drainage canal pansamantalang kumanlong ang ilang pamilya sa Dinagat Islands mula kagabi dahil sa banta ng Typhoon .

Ayon sa ulat, kabilang sa mga lumikas ang isang sanggol at mga bata.

Ingat po mga kababayan!

📸 Rudelyn Dayon

Nagdesisyon ang LGU Naga na magsuspinde ng klase sa lahat ng antas sa public at private schools ngayong araw ng Martes, ...
03/11/2025

Nagdesisyon ang LGU Naga na magsuspinde ng klase sa lahat ng antas sa public at private schools ngayong araw ng Martes, Nobyembre 4.

Ito ay dahil sa mga pag-ulan na nararanasan sa lungsod bagama't hindi direktang tatamaan ng Typhoon Tino.

03/11/2025

Nailigtas ng mga tauhan ng Coast Guard Station ng Catanduanes ang tatlong lalaking natangay ng malalakas na alon sa Barangay San Pablo, Virac, Catanduanes dakong alas-6 ng gabi kanina.

Agad na rumesponde ang himpilan katuwang Coast Guard Sub Station Virac at Special Operations Group Catanduanes matapos matanggap ang impormasyon hinggil sa tatlong indibidwal na nangangailangan ng tulong.

Sa isinagawang search and rescue operation, matagumpay na nailigtas ang mga lalaki at agad na dinala sa dalampasigan upang bigyan ng agarang medikal na atensyon.

Sa panayam sa Coast Guard Catanduanes, naliligo ang mga biktima sakay ng salbabida ng matangay ng alon sa gitna ng dagat.

Bagamat hindi direktang tatamaan ng bagyong ay nakataas ang gale warning sa probinsiya.

Pinapayuhan ang mga mangingisda at residente na iwasan muna ang paglalayag at anumang aktibidad sa dagat tulad ng pangingisda at paglangoy.

Nakatakdang ipasubasta ng Bureau of Customs ang mga mamahaling sasakyan o luxury vehicles ng pamilya Discaya na kinumpis...
03/11/2025

Nakatakdang ipasubasta ng Bureau of Customs ang mga mamahaling sasakyan o luxury vehicles ng pamilya Discaya na kinumpiska ng gobyerno

Gaganapin ang auction sa November 17, 2025, alas-10:00 ng umaga sa tanggapan ng ahensiya sa Port Area, Manila.

Kabilang sa mga sasakyan ang Toyota Tundra (2022), Toyota Sequoia (2023), Rolls Royce Cullinan (2023), Mercedes-Benz G63 AMG (2022), Mercedes-Benz G500 (2019, Brabus), Lincoln Navigator L (2021), at Bentley Bentayga (2022).

Bukod sa bagyong   na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), binabantayan din ang isa pang low pressure a...
03/11/2025

Bukod sa bagyong na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), binabantayan din ang isa pang low pressure area sa labas ng PAR na may bahagyang posibilidad na maging bagyo sa loob ng susunod na 24 oras.

(📷 PAGASA)

Address

Canaman

Telephone

+63548818629

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RBN Digital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to RBN Digital:

Share