
31/08/2024
𝘼𝙩𝙩𝙤𝙧𝙣𝙚𝙮, 𝙥𝙬𝙚𝙙𝙚 𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙩𝙖𝙠𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙤𝙩𝙤𝙧 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙬𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙞𝙨𝙚𝙣𝙨𝙮𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙙𝙧𝙞𝙫𝙚𝙧 𝙣𝙞𝙩𝙤?
SAGOT:
Hindi pwede. Sa ilalim ng Memorandum Circular 89-105 ng Department of Transportation and Communications (DOTC) at Land Transportation Office (LTO), pwedeng lamang batakin ang motor o sasakyan kapag:
— hindi ito registered, peke o may depekto ang registration nito, o suspindido o binawe ang registration nito;
— wala itong plaka, peke ang plaka, gumamit ng plakang hindi inisyu para sa sasakyan , o iniba ang plaka;
— peke ang lisensya, mali ang paggamit ng lisensya, o paso ang lisensya;
— paso ang Traffic Violation Report;
— ginamit ang radyo o stereo nang labag sa regulasyon;
— sangkot ang sasakyan sa isang aksidente;
— iligal na nakaparada ang sasakyan; o
— colorum ang operasyon nito.
Meron pang ibang mga batayan para sa pagbatak. Kapuna-puna, hindi kabilang sa listahan ang kawalan ng lisensya.
Tandaan din, walang kapangyarihan ang LGU (lalawigan, munisipyo o lungsod) na ipag-utos sa pamamagitan ng ordinansa ang pagbabatak dahil maaari lamang silang magpataw ng multa.
Dahil dito, bawal batakin ang motor o sasakyan dahil lamang walang lisensya ang driver nito. Maaari lamang pagmultahin ang nasabing driver ng (hanggang) Php 3,000 alinsunod sa Joint Administrative Order No. 2014-01 ng DOTC (o katulad na ordinansa kung meron).