
25/07/2025
JUST IN: BINASURA NG KORTE SUPREMA ANG IMPEACHMENT VS VP SARA DUTERTE DAHIL SA ONE-YEAR RULE
Nagdesisyon ang Supreme Court (SC) En Banc na hindi maaring ituloy ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte dahil ito’y tinamaan ng one-year ban na nakasaad sa Konstitusyon. Dahil dito, walang hurisdiksyon ang Senado para ituloy ang impeachment proceedings.
Ayon kay SC spokesperson Camille Ting, puwedeng muling ihain ang reklamo sa Pebrero 2026. Lumabas din sa desisyon ng Korte Suprema na nilabag ng reklamo ang karapatan ni VP Duterte sa due process.