Kristiyanong Kabataan

Kristiyanong Kabataan Turuan ang kabataan sa kabanalan upang sila'y mamuhay ng kalugod-lugod sa kalooban ng Diyos

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay niya ang Kanyang kaisa-isang Anak upang ang sinomang sumampalataya ay hindi mapahamak kundi magkamit ng buhay na walang hanggan
John 3: 16

29/04/2025

WORD OF THE DAY
[1] O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap;
ang uhaw kong kaluluwa'y tanging ikaw nga ang hangad;
para akong tuyong lupa na tubig ang siyang lunas.

[2] Hayaan mong sa santuwaryo ika'y aking mapagmasdan,
at ang likas mong kaluwalhatian at kapangyarihan.

[3] Ang wagas na pag-ibig mo'y mainam pa kaysa buhay,
kaya pupurihin kita, O Diyos, at pararangalan.

[4] Habang ako'y nabubuhay, ako'y magpapasalamat,
at ako ay dadalangin na kamay ko'y nakataas.

[5] Itong aking kaluluwa'y tunay na masisiyahan,
magagalak na umawit ng papuring iaalay.
MGA AWIT 63: 1-5

21/04/2025

WORD OF THE DAY
16 Ngunit aawit ako,
pagkat ang taglay mo'y pambihirang lakas,
sa tuwing umaga ang aawitin ko'y pag-ibig mong wagas;
pagkat ika'y muog, sa buhay kong ito,
at aking kanlungan kapag lugmok ako.
17 Pupurihin kita,
tagapagtanggol ko at aking kanlungan,
Diyos kong mapagmahal.
MGA AWIT 59: 16-17

11/04/2025

WORD OF THE DAY
16 Kay Yahweh lang ako hihingi ng saklolo;
aking natitiyak, ililigtas ako.
17 Sa umaga't hapon, maging sa gabi rin.
Aking itataghoy ang mga hinaing,
at ang aking tinig ay kanyang diringgin.
18 Ililigtas ako mula sa labanan,
at pababaliking taglay ang tagumpay,
matapos gapiin ang mga kaaway.
MGA AWIT 55: 16-18

Our March celebrantHappiest birthday Sis. Maricris Manapul!🎊May God continue to bless and guide you always.Enjoy your da...
04/03/2025

Our March celebrant

Happiest birthday Sis. Maricris Manapul!🎊

May God continue to bless and guide you always.
Enjoy your day!

Psalm 100:3
Know that the Lord, he is God! It is he who made us, and we are his; we are his people, and the sheep of his pasture.

27/02/2025

Si Yahweh ang lakas ko at kalasag,
tiwala ko'y sa kanya nakalagak.
Tinutulungan niya ako at pinasasaya,
sa awiti'y pinasasalamatan ko siya.
Mga Awit 28: 7

A blessed day, kapatid!  You're invited to join our Youth Fellowship on February 23, 2025, at 3:00 PM in the OFAFJ Chris...
22/02/2025

A blessed day, kapatid! You're invited to join our Youth Fellowship on February 23, 2025, at 3:00 PM in the OFAFJ Christian Church. We hope to see you there! God bless you. ☺️❤️

21/02/2025

WORD OF THE DAY
[13] Ako'y naniniwala na aking masasaksihan ang kabutihan ng Panginoon
sa lupain ng mga nabubuhay!

[14] Maghintay ka sa Panginoon;
magpakalakas ka at magpakatapang ang iyong puso;
oo, maghintay ka sa Panginoon!
MGA AWIT 27: 13-14

20/02/2025

WORD OF THE DAY
[1] Ipahayag mo ako, Yahweh, na walang sala,
pagkat ako'y matuwid at sa iyo'y lubos na umaasa.

[2] Yahweh, ako'y siyasatin mo at subukin,
hatulan mo ang iniisip at ang aking hangarin.

[3] Pag-ibig mong wagas ang aking patnubay,
ang iyong katapatan ang lagi kong kaagapay.
MGA AWIT 26: 1-3

19/02/2025

WORD OF THE DAY
[4] Ituro mo sa akin, Yahweh, ang iyong kalooban,
at ang iyong landas, sa akin ay ipaalam.

[5] Turuan mo akong mamuhay ayon sa katotohanan,
sapagkat ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan;
sa buong maghapo'y ikaw ang inaasahan.

[6] Alalahanin mo, Yahweh, ang pag-ibig mong wagas,
na ipinakita mo na noong panahong lumipas.

[7] Patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, sa mga kamalian ko noong aking kabataan;
ayon sa pag-ibig mong walang katapusan,
ako sana, Yahweh, ay huwag kalimutan!

[8] Si Yahweh ay mabuti at siya'y makatarungan,
itinuturo niya sa makasalanan ang tamang daan.

[9] Sa mapagpakumbaba siya ang gumagabay,
sa kanyang kalooban kanyang inaakay.

[10] Tapat ang pag-ibig, siya ang patnubay,
sa lahat ng mga taong sumusunod, sa utos at tipan siya'ng sumusubaybay.
MGA AWIT 25: 4-10

19/02/2025

Address

Candaba
2013

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kristiyanong Kabataan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share