
13/05/2025
Sa aking mga kaibigan at mahal sa buhay,
Maraming salamat sa inyong tiwala, suporta, at pagmamahal sa buong panahon ng aking pagtakbo. Bagamat hindi natin nakuha ang inaasam na panalo, hindi ito ang katapusan ng ating layunin.
Ako’y mananatiling tapat sa adbokasiya ng mabuting pamamahala at babantayin natin ng maigi ang mga naihalal. Ang pagkatalo ay hindi hadlang upang ipagpatuloy ang tama—bagkus, ito ay paalala na mas marami pa tayong kailangang gawin para sa pagbabago.
Patuloy akong aasa, kikilos, at makikibaka para sa mas maayos na kinabukasan. Hindi man ngayon, darating ang tamang panahon.
Muli, mula sa puso—maraming salamat.
BASTA YABUT, AABOT!