The Blaze Enverga Candelaria

The Blaze Enverga Candelaria The Official High School Publication of Manuel S. Enverga University Foundation–Candelaria, Inc. Enverga University Foundation Candelaria Inc.

The Official Newspaper Publication of Senior High School of Manuel S.

ISPORTS | ‎NANGIBABAW ang liksi ng mga manlalaro ng bawat organisasyon ng Junior High School matapos magpakita ng naglil...
30/07/2025

ISPORTS | ‎NANGIBABAW ang liksi ng mga manlalaro ng bawat organisasyon ng Junior High School matapos magpakita ng nagliliparang palo para sa tunggalian ng Badminton Girls sa ginanap na Junior High School Intramurals na itinanghal sa EUC Gymnasium, ika-30 ng Hulyo.

‎Pinatikim ni Sabria Roque ng Yellow Jaguars ang hampas ng panalo kay Jewel Castillo ng Blue Jaguars matapos masungkit ang gintong medalya sa pag-alalay ni Bb. Shaina De Ramos sa Singles A, 31- 7.

‎Nagpamalas naman ng husay si Hannah Baldoz na mula sa Red Jaguars kontra kay Zhyril Navarro ng Blue Jaguars na napasakamay ang gintong medalya katulong ng kanyang tagapagpayo na si Gng. Daicel Nadres sa Singles B, 31-29.

‎Hindi rin nagpahuli ang tambalang Dahnielyn Castillo at Samantha Solis ng Yellow Jaguars na ipinakita na buo ang kanilang koordinasyon at walang pag-aalinlangan sa bawat palo na naging daan upang maiuwi ang unang karangalan sa Doubles, 31-14.

‎Sa huli, nag-uwi ng dalawang ginto at isang tansong medalya ang Yellow Jaguars, tatlong pilak ang Blue Jaguars at samantala ang Red Jaguars naman ay nagkamit ng isang ginto at dalawang tanso.

‎ulat ni Irisha Abanico | Ang Siklab
litratong kuha nina Hanz Espiritu, Arjhon Antigo, at Audrey Varias | Ang Siklab
likhang sining ni Elaine Dimaapi | Ang Siklab

ISPORTS | NAGHARI ang Red jaguars matapos magpakitang gilas at angkinin ang laro ng Badminton Boys ng Junior Highschool ...
30/07/2025

ISPORTS | NAGHARI ang Red jaguars matapos magpakitang gilas at angkinin ang laro ng Badminton Boys ng Junior Highschool Intramurals na ginanap sa EUC gymnasium ngayong umaga, ika-30 ng Hulyo.

Ipinamalas ni Jesus Matthew Indicio ang kanyang bagsik at pagiging desidido laban kay Sev Lagabong ng Blue Jaguars nang makuha niya ang ginto sa Singles A, 31-25.

Sunod namang tinanghal sa unang pwesto si Jarren Cloud Vallarta pagkatapos ng dikit at habulan na pasiklaban laban kay Hanz Yñigo Benedictos ng Blue Jaguars sa Singles B, 31-29.

Hindi naman pinalampas ng tambalan nina Axel Bien Librea at Zeian Gevania ang pangingibabaw sa kanilang nag-iinit na tunggalian nina Harris Geoffe Betonia at Jaime Lauigan ng Blue Jaguars sa Badminton Doubles, na nagdulot sa kanilang pagkapanalo, 31-20.

Nasungkit ng Red Jaguars ang tatlong gintong medalya sa gabay ni Gng. Daicel Nadres. Samantala, ang Blue Jaguars naman ay nakakuha ng tatlong pilak habang nag-uwi naman ang Yellow Jaguars ng tatlong tanso.

ulat ni Bianca Maputi | Ang Siklab
litratong kuha nina Hanz Espiritu, Arjhon Antigo, at Audrey Varias | Ang Siklab
likhang sining ni Elaine Dimaapi | Ang Siklab

ISPORTS | SINALANTA ng pwersa ng Red Jaguars ang lupon ng Blue Jaguars sa labang pangkampeonato sa larong Basketball sa ...
30/07/2025

ISPORTS | SINALANTA ng pwersa ng Red Jaguars ang lupon ng Blue Jaguars sa labang pangkampeonato sa larong Basketball sa ginanap na Junior High School Intramurals na idinaos sa EUC Gymnasium, ika-30 ng Hulyo, 81-53.

Ginulantang agad ng Red Jaguars ang kanilang katunggali unang kwarter pa lamang ng laro, tila hinihimay-himay lamang ni John Paul De Chavez ang depensa ng Blue Jaguars, susi upang maka hablot ng maagang kalamangan, 21-7.

Nagsagutan ng pagpapaulan ng tres ang parehong koponan, tuwing nakakahawak ng bola sina Kyle De Chavez ng asul at John Paul De Chavez ng p**a ay may tila bulalakaw na nalusot sa ring sa kalagitnaan ng pangalawang yugto, 29-16.

Nagmano-manong inangat ni Kyle De Chavez ang kanyang koponan ngunit bigo dahil sa matibay at matinik depensang ipinamalas ng Red Jaguars kadahilanang matapos ang kwarter sa iskor na 35-21.

Nagningning si Rheniel Marcelo matapos magpakawala ng mga walang prenong atake na bigo masagutan ng asul, dahilan kung paano sila biglang iniwan ng p**a, 67-37.

Pinutok na parang bula ng Red Jaguars ang mga pangarap na manalo ng kampeonato ng Blue Jaguars, tuluyan nilang sinelyuhan ang gintong medalya sa iskor na 81-53.

Ginabayan ang bawat koponan ng kanilang mga kasa-kasamang tagapagpayo na sina G. John Rae De Torres ng Red Jaguars at G. Gemar Santos ng Blue Jaguars.

Ibinulsa naman ng Yellow Jaguars ang tansong medalya at natanggap naman ng Green Jaguars ang ikaapat na karangalan.

ulat ni Terence Aro | Ang Siklab
litratong kuha nina Clinton Valderas, Therax Rozol, Hanz Espiritu, Angelo Bayanin, Arjhon Antigo, at Ahmar Calalo | Ang Siklab
likhang sining ni Elaine Dimaapi | Ang Siklab

ISPORTS | DUMAGUNDONG ang himnasyo nang matamo ng koponan ng Yellow Jaguars ang kapanapanabik na dalawang gintong medaly...
30/07/2025

ISPORTS | DUMAGUNDONG ang himnasyo nang matamo ng koponan ng Yellow Jaguars ang kapanapanabik na dalawang gintong medalya at isang pilak na medalya sa Table Tennis Girls, sa idinaos na Junior High School Intramurals na ginanap sa EUC Gymnasium, ika-30 ng Hulyo.

Inangkin ni Rhisha Dela Roca ang gintong medalya sa kategorya ng Singles A matapos ang isang matinding labanan ng liksi at galaw, 13-11, 11-9.

Hindi rin nagpahuli ang tambalan nina Gabrielle Villarama at Liliandy Bautista matapos sungkitin ang gintong medalya sa kategorya ng Doubles sa tulong ng kooperasyon ng kanilang bawat palo, 13-11, 11-5.

Ginabayan sila ng kanilang coach na si G. Joseph Decal upang masungkit ang inaasam na tagumpay.

Nanaig naman ang Green Jaguars matapos maibulsa ang isang ginto at isang pilak na medalya, habang ang Blue Jaguars ay nakahablot ng isang pilak at dalawang tansong medalya.

Nagsumikap at hindi rin nagpahuli ang Red Jaguars sa kanilang nakuhang tansong medalya.

ulat ni Yael Magcawas | Ang Siklab
litratong kuha nina Clinton Valderas at Zian Pitahin | Ang Siklab
likhang sining ni Jannah Cosico | Ang Siklab

ISPORTS | NAIGAPANG ng Green Jaguars ang tagumpay sa gitna ng dikit na tunggalian sa Table Tennis Boys matapos ang makak...
30/07/2025

ISPORTS | NAIGAPANG ng Green Jaguars ang tagumpay sa gitna ng dikit na tunggalian sa Table Tennis Boys matapos ang makakabog-dibdib na pasiklaban sa ginanap na Junior High School Intramurals, na idinaos sa EUC Gymnasium, ika-30 ng Hulyo.

Nagpamalas ng mala-bulalakaw na mga palo si Ivo Artillaga ng kulay berde at tuluyang naiahon ang laro sa Singles B, tangan ang gintong parangal, 9-11, 11-8, 11-6.

Nagliyab din ang tambalang Clyde Camacho at Cleou Amarillo matapos pangibabawan ang Doubles Category sa pangunguna ng kanilang tagapagpayo na si Gng. Divine Castañeda sa iskor na 11-7, 12-10.

Ibinulsa ng Yellow Jaguars ang isang ginto at dalawang pilak na medalya, habang nakasungkit naman ng isang pilak at dalawang tanso ang Red Jaguars bilang gantimpala.

Hindi rin nagpatalo ang Blue Jaguars at nag-uwi rin ng isang tansong parangal.

ulat ni Deniele Mayor | Ang Siklab
litratong kuha nina Clinton Valderas at Zian Pitahin | Ang Siklab
likhang sining ni Jannah Cosico | Ang Siklab

29/07/2025

ANONG SAY MO? 🔥🗣 | JHS INTRAMURALS 2025 | Season 3, Episode 1🎙

produced by Vincent De Los Reyes, Rhian Ramirez, Keelan Ilao, EJ Payongayong, Ainsley Alcantara, and Carla Obrador

ISPORTS | GINAPI ng Red Jaguars ang Green Jaguars sa isang naglalagablab na sagupaan sa Sepak Takraw sa ginanap na Junio...
29/07/2025

ISPORTS | GINAPI ng Red Jaguars ang Green Jaguars sa isang naglalagablab na sagupaan sa Sepak Takraw sa ginanap na Junior Highschool Intramurals, na idinaos sa EUC Sepak Takraw Court, ika-29 ng Hulyo, 15-9, 15-6.

Nagpakitang-gilas ang mga miyembro ng Red Jaguars na sina Levi Jhon Amador, Muelmar Fabrigas, Raphael delas Peñas, Jared Neil Silva, at Cedric Librada sa ilalim ng gabay ng kanilang tagapagsanay na si Gng. Sheena Bisco.

Hindi rin nagpahuli ang Yellow Jaguars na nakasungkit ng ikatlong puwesto, habang ang ikaapat naman ay ang Blue Jaguars na nagpamalas din ng puso at tapang.

ulat nina Kim Escamillas, Sophia Dajao | Ang Siklab
litratong kuha ni Angelo Bayanin | Ang Siklab
likhang sining ni Elaine Dimaapi | Ang Siklab

BALITA | Intramurals ng EUC JHS, Inumpisahan nang Makulay at MatagumpayInilunsad ang panimula ng Junior High School Intr...
29/07/2025

BALITA | Intramurals ng EUC JHS, Inumpisahan nang Makulay at Matagumpay

Inilunsad ang panimula ng Junior High School Intramurals 2025 na may temang "Driven by values, united in play, competing with mindfulness, service with heart, striving for excellence," kung saan maipamamalas ng mga manlalaro ang kanilang mga talento. Ang pagdiriwang ay pinangunahan ni G. Kirby Cueto at idinaos sa himnasyon ng EUC ngayong umaga.

Ipinagpatuloy ang palatuntunan sa pamamagitan ng isang makulay na parada na pinamunuan ng EUC Striding Jaguars, na sinundan ng mga delegado mula sa iba’t ibang organisasyon upang katawanin ang kanilang mga koponan.

Pagkatapos nito, isinagawa ang panalangin kung saan ipinaabot ang pasasalamat at paghiling ng gabay para sa maayos at makabuluhang pagdaraos ng Intramurals na ginabayan ni G. Paul Manalo.

Nagbigay ng panimulang pagbati si Gng. Elenita C. Marquez, na sinundan ng mga makabuluhang mensahe mula sa Pangalawang Punongguro na si Bb. Vernie R. Mercado. Nagbigay rin ng isang panghikayat na mensahe si Dr. Crystal B. Quintana ang Dekana ng Pag-aaral.

Kasabay ng masigabong sigawan at palakpakan mula sa mga manonood, isinagawa ang “Raising of Pennants” ng mga piling es**rt at muse ng bawat koponan. Sinundan ito ng makulay na pagpapalipad ng mga lobo bilang simbolo ng pagkakaisa at opisyal na pagsisimula ng palaro, na pinangunahan ng mga Chief Adviser mula sa iba’t ibang antas.

Tinampukan ang seremonya ng "Lighting of the Torch” na isinagawa ng mga atleta ng EUC na kumakatawan sa palarong pambansa. Kasunod nito, isinagawa ang panunumpa ng mga manlalaro bilang tanda ng kanilang katapatan at integridad sa laro, na pinangunahan ni Reijes Mcheil Landicho.

Pormal namang binuksan ang palaro sa pamamagitan ng mensaheng "Let the games begin," ni Dr. Crystal B. Quintana.

ulat ni Terence Aro | Ang Siklab
litratong kuha nina Hanz Morales, Angelo Bayanin | Ang Siklab

TINGNAN: Binuksan ng mga manlalaro ang pintuan ng himnasyo upang opisyal na pasimulan ang Junior High School Intramurals...
29/07/2025

TINGNAN: Binuksan ng mga manlalaro ang pintuan ng himnasyo upang opisyal na pasimulan ang Junior High School Intramurals sa EUC Gymnasium, ngayong umaga.

ulat ni Terence Aro
litratong kuha ni Therax Rozol

BALITA | Makulay na Pagtatapos ng Buwan ng Nutrisyon, Ipinagdiwang ng High School Department ng MSEUF-CIIpinagdiwang ng ...
29/07/2025

BALITA | Makulay na Pagtatapos ng Buwan ng Nutrisyon, Ipinagdiwang ng High School Department ng MSEUF-CI

Ipinagdiwang ng Manuel S. Enverga University Foundation - Candelaria, Inc. ang pagtatapos ng Buwan ng Nutrisyon ngayong ika-29 ng Hulyo sa himnasyon ng paaralan, taglay ang temang “Food at Nutrition Security, Maging Priority.”

Pinangunahan ang programa ng mga masigasig na punong-abala na sina Alodia Maranan at Jandi Marquez mula sa ikapitong baitang.

Nagbigay ng magalak at mabunying pambungad na pananalita ang iginagalang na punong-guro na si G. Jonathan Villaruz, na sinundan naman ng panimulang panalangin na inihatid ni Bb. Vernie Mercado, pangalawang punong-guro.

Nagbahagi rin ng nakaaantig na mensahe si Dr. Crystal B. Quintana, Dekana ng Pag-aaral. Aniya, “Being healthy is being happy,” na isinapuso ng mga mag-aaral mula sa Junior High School Department. Sinundan ito ng isa pang makahulugang mensahe mula kay G. Hector Gaspar Tapire, Administrative Officer ng paaralan.

Ipinakita rin sa programa ang dokumentasyon ng bulletin board na likha ng mga mag-aaral mula sa ikapitong baitang, bilang pagpapamalas ng kanilang kaalaman at pagkamalikhain sa nutrisyon.

Bilang pangwakas, nagbigay ng mensahe si Gng. Divine Grace Castaneda, na nag-iwan ng inspirasyon para sa mga kabataang patuloy na nagsusulong ng masustansyang pamumuhay.

ulat ni Chloe Hernandez
litratong kuha ni Therax Rozol

Happy National Campus Press Freedom Day! 🖊️📣Today, we honor the courage and commitment of campus journalists — the brave...
25/07/2025

Happy National Campus Press Freedom Day! 🖊️📣

Today, we honor the courage and commitment of campus journalists — the brave storytellers who speak truth to power from the heart of every school and university. In every editorial, headline, and layout, they defend democracy, amplify student voices, and uphold the freedom to write without fear.

Even with limited resources, they report with integrity. Even in the face of censorship, they persist — standing for the truth, the good, and the sublime.

As Maria Ressa once said, “We’re on the frontlines in a battle for facts… Without truth, you can’t have trust. Without these three, democracy… is dead.”

To every young journalist holding the line: your voice matters. Keep writing. Keep questioning. Keep fighting.

Mabuhay ang mga tagapagtanggol ng katotohanan! Mabuhay ang malayang pamamahayag!





layout by Elaine Dimaapi

Address

Barangay Malabanban Norte
Candelaria
042

Telephone

+639272224852

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Blaze Enverga Candelaria posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share