10/03/2025
Ang dahilan kung bakit maraming tao ang walang pakialam sa kamatayan at sa patutunguhan ng kanilang kaluluwa ay dahil sa maling paniniwala na lahat ng tao ay tutungo sa Langit.
Marami sa atin ang naniniwala na basta hindi ka masyadong masama at may relihiyon, pupunta ka sa langit. Pero, ang katotohanan, hindi ito totoo.
Narinig mo na ba ang mga ito?
"Happy birthday dyan sa heaven, pare!" "Wala na si Lola, nasa heaven na siya kasama si Jesus, kasi matulungin siya." "Rest in peace."
Ito ang mga comforting words na madalas nating sabihin sa mga namatay na mahal sa buhay. Gusto natin na makasama sila sa langit at magkasama kay God. Pero sa kabila ng ating mga magandang hangarin, sabi ng Biblia, walang katotohanan ang mga ito.
Roma 3:23 - "Ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos."
Hindi ba't tanong mo, "Kung mapagmahal ang Diyos, bakit Niya pa dadalhin sa impyerno ang mga mabubuti?" Oo, mapagmahal ang Diyos, pero Siya rin ay hindi matitiis ang kasalanan Ang impyerno ay hindi lang para sa mga masasama. Ito ay lugar din ng mga mabubuti, mayayaman, relihiyoso, matulungin, palasimba, mabait, at marami pang iba, basta't hindi nila tinanggap si Jesus bilang kanilang
Tagapagligtas.
John 14:6 - "Ako ang DAAN, at ang KATOTOHANAN, at ang BUHAY; walang sinoman ang makaparoroon sa
Ama, kung hindi sa pamamagitan ko."
Ang mga tao na walang relasyon kay Jesus ay hindi makakapunta sa langit. Walang "Rest in Peace" kung hindi tayo tumanggap kay Jesus bilang Tagapagligtas.
Ang impyerno ay isang lugar ng walang katapusang paghihirap at walang kaligtasan.
Ang impyerno ay may:
Uod na hindi namamatay
Lawa ng apoy
Kadiliman
Kasama mo ang masasamang tao, demonyo, at si
Satanas Lugar ng pagdurusa, walang pahinga
Walang exit at walang katapusang paghihirap
Ngayon pa lang, habang ikaw ay buhay, maaari mong tanggapin si Jesus bilang iyong Tagapagligtas. Hindi totoo ang purgatoryo at ang panalangin para sa mga patay. Wala na tayong magagawa para sa mga pumanaw na, pero ikaw, Huwag puro trabaho, pera, at kasikatan. Lahat tayo ay mamatay. Kaibigan, alam mo ba kung saan ka pupunta pagkatapos ng buhay na ito?
Si Jesus lang ang makapagpapatawad at magdadala sa iyo sa langit. Hindi ang relihiyon, hindi ang mabubuting gawa, kundi si Jesus lang. Siya ang tanging Tagapagligtas ng iyong kaluluwa.
Hell is a real place, with real pain and suffering. Ayon sa Bible, nakakatakot ito. Minsan lang tayo dadaan sa buhay na ito. Pagkatapos ng buhay, haharap tayo sa Diyos.
Ang tanging paraan para matanggap ka sa langit ay ang pagsampalataya kay Jesus, ang Kanyang Anak.
Totoo ang impyerno! Huwag mong hayaang huli na ang lahat bago ka maniwala.
Be saved today. Jesus Christ is the way.
Kaibigan, baka bukas huli na.
DISCLAIMER: it's not mine