The Sand Castle

The Sand Castle The Official Student Publication of Ilocos Sur Polytechnic State College-Candon Campus

โ€œ๐˜ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ฃ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ๐˜จ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ฎ๐˜บ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ง ๐˜ช๐˜ง ๐˜ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ต๐˜ฉ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฌ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ธ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฅ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฅ ...
20/08/2026

โ€œ๐˜ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ฃ๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ๐˜จ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ฎ๐˜บ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ง ๐˜ช๐˜ง ๐˜ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ต๐˜ฉ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜ฌ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ธ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต ๐˜ ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฅ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ท๐˜ฆ ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฆ ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ต ๐˜ฅ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜บ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ.โ€-๐’๐ž๐ง๐š๐๐จ๐ซ ๐๐ž๐ง๐ข๐ ๐ง๐จ "๐˜•๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜บ" ๐€๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ ๐‰๐ซ.

Nakikiisa ang The Sand Castle ng Ilocos Sur Polytechnic State College (ISPSC) โ€“ Candon Campus sa buong bansa sa paggunita ng Araw ni Ninoy Aquino, habang pinagtibay ang kahalagahan ng paglilingkod sa bayan, sakripisyo, at pagpapatatag sa mga demokratikong prinsipyo.

Binigyang-diin ng publikasyon na ang pamana ni Aquino ay nagsisilbing mahalagang paalala na ang kalayaan ay nag-aatas ng sakripisyo, at ang tunay na pamumuno ay nangangahulugan ng pagtindig para sa tama, anuman ang maging kapalit.

Habang ipinagdiriwang, hinikayat ng aming publication ang mga mag-aaral at kawani na gamitin ang araw para sa makahulugang pagmumuni-muni, at patuloy na isulong ang lipunan kung saan ang kalayaan, demokrasya, at pakikibahagi sa bayan ay nananatiling pinahahalagahan.

๐Ž๐๐ˆ๐๐ˆ๐Ž๐ | ๐˜’๐˜ˆ๐˜š๐˜ ๐˜ˆ ๐˜—๐˜ˆ!๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ด ๐˜‹๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ดSa bawat pagsakay natin sa dyip, madalas nating marinig ang pamilyar at paulit-ulit n...
15/08/2026

๐Ž๐๐ˆ๐๐ˆ๐Ž๐ | ๐˜’๐˜ˆ๐˜š๐˜ ๐˜ˆ ๐˜—๐˜ˆ!

๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฆ๐˜ด ๐˜‹๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด

Sa bawat pagsakay natin sa dyip, madalas nating marinig ang pamilyar at paulit-ulit na sigaw na, ๐‘ฒ๐‘จ๐‘บ๐’€๐‘จ ๐‘ท๐‘จ!

Sa likod ng masisikip na upuang ito ay nakakubli ang mga reklamong halos nakakabingi at ang mga kuwento ng pagod na madalas ay tahimik na tinitiis. Ngunit sa kabila ng pisikal na sikip, handa tayong magtiis kung ito naman ay makatutulong upang madagdagan ang kita ni mamang driver.

Sa bawat pag-abot ng bayad at pagsigaw ng ๐๐€๐‘๐€๐€! ay hindi natin alam kung para saan ito at madalas ay hindi natin alintana ang lalim ng sakripisyong kaakibat nito. Matanda na ang karamihan sa mga drayber, ngunit pilit nilang itinatago ang karamdaman at panghihina ng katawan. Madalas magreklamo ang mga pasahero sa sikip ng sasakyan, ngunit hindi nila batid na mas masikip sa dibdib ang patuloy na pagbabanat ng buto sa katandaan para lamang maitaguyod ang pamilya. Nakakagulat isipin na sa kabila ng mabibigat na pasanin, kaya pa nilang mag-alay at magbitaw ng ngiti para sa mga pasahero.

Ang sitwasyong ito ay pinalalala pa ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo na sinasabayan ng mabigat na pasanin sa araw-araw na gastusin. Sa gitna ng matinding pagod at kawalan ng agarang solusyon, ang tanging karamay ng isang drayber sa kanilang mga hinaing ay ang tahimik na pagpatak ng luha.

Hindi rin maitatanggi na ang ganitong kalagayan ay sumasalamin sa mas malaking suliranin ng lipunan, ang patuloy na kapabayaan ng ilang nasa kapangyarihan. Ang mga pangakong uunahin ang kapakanan ng mamamayan ay madalas mapako at mapalitan ng pansariling interes, habang ang taumbayan ang patuloy na nagpapasan ng kahirapan.

Sa huli, hindi dapat maging manhid ang lipunan sa mga ganitong realidad. Sa halip na magsawalang-kibo, kailangan nating maging boses at tanglaw para sa isa't isa upang mapatibay ang pag-asa sa gitna ng mga pagsubok na ito.

๐˜“๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ˆ๐˜ช๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฆ๐˜ฏ ๐˜˜๐˜ถ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฐ

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐๐’๐“๐ ๐Ž๐‘๐ˆ๐„๐๐“๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐€๐“ ๐๐€๐’๐ˆ๐‚ ๐‹๐ˆ๐…๐„ ๐’๐”๐๐๐Ž๐‘๐“ ๐“๐‘๐€๐ˆ๐๐ˆ๐๐† ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐…๐ˆ๐‘๐’๐“-๐˜๐„๐€๐‘ ๐’๐“๐”๐ƒ๐„๐๐“๐’๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ˆ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜”๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ณIsi...
15/08/2026

๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ | ๐๐’๐“๐ ๐Ž๐‘๐ˆ๐„๐๐“๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐€๐“ ๐๐€๐’๐ˆ๐‚ ๐‹๐ˆ๐…๐„ ๐’๐”๐๐๐Ž๐‘๐“ ๐“๐‘๐€๐ˆ๐๐ˆ๐๐† ๐ˆ๐’๐ˆ๐๐€๐†๐€๐–๐€ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐…๐ˆ๐‘๐’๐“-๐˜๐„๐€๐‘ ๐’๐“๐”๐ƒ๐„๐๐“๐’

๐˜ฏ๐˜ช ๐˜ˆ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฆ๐˜ญ ๐˜”๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ด๐˜ข๐˜ณ

Isinagawa ngayong Biyernes, Agosto 14, sa Gymnasium ng Ilocos Sur Polytechnic State College (ISPSC) Candon Campus ang National Service Training Program (NSTP) Orientation at Basic Life Support (BLS) Training para sa mga first-year college students bilang paghahanda sa kanilang paglahok sa programa.

๐๐’๐“๐ ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐š๐ญ ๐ฆ๐ ๐š ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐จ๐ง๐ž๐ง๐ญ ๐ง๐ข๐ญ๐จ

Unang tinalakay ni Dr. Benny B. Derige ang mga pangunahing konsepto ng NSTP, kabilang ang pagpapahalaga sa nasyonalismo at patriotismo, gayundin ang apat na pagpapahalagang Makadiyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansa.

Ipinakilala rin sa mga mag-aaral ang tatlong component ng NSTPโ€”Reserve Officersโ€™ Training Corps (ROTC), Literacy Training Service (LTS), at Civic Welfare Training Service (CWTS)โ€”kasama ang mga module at gawaing kanilang pag-aaralan sa kasalukuyan at mga susunod na bahagi ng programa.

๐‘๐Ž๐“๐‚ ๐š๐ญ ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š๐ง๐  ๐’๐ž๐ ๐ฎ๐ซ๐ข๐๐š๐

Bago ang Basic Life Support Training, isinagawa rin ang isang orientation hinggil sa ROTC at iba pang usapin tungkol sa pambansang seguridad. Tinalakay dito ang mga benepisyo ng pagpili sa ROTC at ang mga pagsasanay na maaaring pagdaanan ng mga mag-aaral mula basic hanggang advanced na antas. Isinagawa ang talakayan sa pangunguna ng Director of the Presidential Management Staff, katuwang ang mga ROTC instructor at cadet.

๐๐š๐ฌ๐ข๐œ ๐‹๐ข๐Ÿ๐ž ๐’๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐ 

Samantala, pinangunahan ni Dr. Alejandrino C. Delos Santos Jr. ang Basic Life Support Training, katuwang ang mga ROTC instructor at cadet.

Binigyang-diin sa pagsasanay ang konsepto ng lay first aiderโ€”isang taong may wastong pagsasanay sa pagbibigay ng paunang lunas ngunit hindi isang medical professional. Itinuro sa mga mag-aaral ang mga pangunahing hakbang sa pagtugon sa ibaโ€™t ibang sitwasyong nangangailangan ng agarang tulong, kabilang ang pagtatasa sa paligid, pagpapakilala at paghingi ng pahintulot bago tumulong, at wastong pagsasagawa ng pagtugon.

Kabilang sa mga isinagawang pagsasanay ang wastong pagtugon sa taong nawalan ng malay, earthquake at fire response, pangunahing kaalaman sa CPR, at pag-aasikaso sa posibleng fracture. Itinuro rin ang wastong pagbenda gaya ng square knot, paggamit ng suporta sa posibleng fracture, at ibaโ€™t ibang paraan ng ligtas na pagbubuhat at paglikas sa isang taong nangangailangan ng tulong.

Matagumpay na natapos ang buong programa matapos maisagawa ang mga talakayan at praktikal na pagsasanay para sa mga first-year college students. Sa pamamagitan ng NSTP at ROTC orientation at Basic Life Support Training, nabigyan ang mga mag-aaral ng karagdagang kaalaman at paghahanda na maaari nilang magamit sa kanilang pagsasanay at sa pagtugon sa ibaโ€™t ibang sitwasyong nangangailangan ng kanilang tulong.

Photos by Aireen Quinco

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | ๐—ฆ๐—ฆ๐—– ๐—–๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ป ๐—น๐—ฎ๐˜†๐˜€ ๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ด๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ, ๐—ณ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ, ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐—ถ๐—ป ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐˜€๐˜ ๐—ด๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—น๐˜†๐˜‰๐˜บ ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ค ๐˜Š. ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ค๐˜ข๐˜ช๐˜ฅ๐˜ขThe Supreme Student...
13/08/2026

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | ๐—ฆ๐—ฆ๐—– ๐—–๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐—ป ๐—น๐—ฎ๐˜†๐˜€ ๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—ด๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ, ๐—ณ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ, ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐—ถ๐—ป ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐˜€๐˜ ๐—ด๐—ฒ๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—น๐˜†
๐˜‰๐˜บ ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ค ๐˜Š. ๐˜”๐˜ข๐˜ณ๐˜ค๐˜ข๐˜ช๐˜ฅ๐˜ข

The Supreme Student Council (SSC) of the Ilocos Sur Polytechnic State College (ISPSC) Candon Campus held its first general assembly for the first semester of Academic Year 2026โ€“2027 today, August 13, 2026, at the campus covered court.

The assembly gathered students and student leaders to discuss matters concerning student governance, financial accountability, organizational policies, ongoing projects, and upcoming campus activities.

๐—™๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜€๐˜๐—ถ๐˜๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฟ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€

As part of its commitment to transparency, the SSC presented the financial statement covering the fines collected during the previous semester. The presentation provided the student body with an account of the funds collected and their corresponding utilization, giving students an opportunity to be informed about the councilโ€™s financial transactions.

Following the financial presentation, the council also presented the existing Constitution and By-Laws, together with the proposed revisions to several of its provisions. The discussion aimed to familiarize and involve the student body in decision-making concerning the policies governing the student council, while presenting proposed changes intended to strengthen its organizational structure, policies, and operations.

๐—–๐—ผ๐˜‚๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—น ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐˜‚๐—ฝ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€

Beyond matters of governance and policy, the SSC also provided updates on its ongoing and proposed projects for the academic year. These updates were presented to keep students informed of the councilโ€™s plans and programs and to encourage greater participation in activities that directly involve the student body.

Meanwhile, attention shifted to the campusโ€™ upcoming celebrations and programs, with Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino (KAMAFIL) Adviser Mr. Eugene Dapiosen presenting the activities lined up for the Buwan ng Wika celebration, while the council provided updates on the forthcoming Panagsapata 2026 and ASEAN Month Celebration.

The SSC also discussed other planned activities and initiatives for the first semester, giving students a preview of the programs lined up for the academic year.

More than a venue for announcements, the assembly underscored the importance of communication and student participation in shaping campus initiatives as the SSC carries forward its mandate for Academic Year 2026โ€“2027.

Photos by Marc Marcaida, Haya Bea Sofia Abaya

๐—ฆ๐—–๐—œ๐—ก๐—ง๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—˜ ๐— ๐—ข๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆโ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”-Hindi sa lahat ng pagkakataon ay sumisikat ang araw. May mga panahong ang...
07/08/2026

๐—ฆ๐—–๐—œ๐—ก๐—ง๐—œ๐—Ÿ๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—˜ ๐— ๐—ข๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆ

โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”-
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay sumisikat ang araw. May mga panahong ang langit ay nababalot ng ulap at ulan animo'y sumasalamin sa unos ng ating buhay. Subalit tulad ng bawat patak na humahaplos sa tigang na lupa, dulot nito'y pag-asa.

Sa Yakap ng Ulan
๐™ฃ๐™ž: Nickloyd

Sa yakap ng ulap, ang langit ay tumatangis,
Mahimbing ang hanging bulong ay pag-asa.
Ang bawat patak ay perlas na nalalaglag,
Na naghuhugas sa pusong sugatan at wasak.

Ang lamig ng ulan ay kamay ng pagsubok,
Humahaplos nang marahan sa pusong nalulungkot.
Ngunit sa likod ng ulap ay araw na nakakubli,
Pahiwatig na ang dilim ay hindi magwawagi.

Tulad ng ulan sa landas ng ating buhay,
May unos na dumarating upang tayo'y tumibay.
Sapagkat sa bawat patak ng ulan na yumayakap sa lupa,
Umuusbong ang pag-asaโ€”animo'y bulaklak pagkatapos ng baha.

Layout ni: Aireen Quinco

๐’€๐’‚๐’‰๐’๐’๐’! ๐‘ป๐’Š๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’•๐’Š๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’‰๐’†๐’“๐’†! ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜: Pursuant to Executive Order No. 24, Series of 2026, the Provincial Govern...
05/08/2026

๐’€๐’‚๐’‰๐’๐’๐’! ๐‘ป๐’Š๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’•๐’Š๐’๐’ˆ๐’Š๐’ ๐’‰๐’†๐’“๐’†!

๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜: Pursuant to Executive Order No. 24, Series of 2026, the Provincial Government of Ilocos Sur has suspended classes at all levels (public and private) and work in all public offices on 6 August 2026 due to Tropical Storm "Maymay" (Kujira) and the enhanced Southwest Monsoon. All residents are advised to stay safe and monitor official updates.

Layout by Raquel Sabado

๐‹๐ˆ๐“๐„๐‘๐€๐‘๐˜ | ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐˜๐—ต๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ด๐—ต...๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—ถฬถ๐—ฐฬถ๐—ผฬถ๐—ปฬถ๐—˜๐—ก๐—–๐—˜?"๐˜—๐˜ฆ๐˜ข๐˜ค๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฉ ๐˜š๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฏ," they proclaimed.By: Marc C. MarcaidaA future forgedw...
02/08/2026

๐‹๐ˆ๐“๐„๐‘๐€๐‘๐˜ | ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ ๐˜๐—ต๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐—ด๐—ต...๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—ถฬถ๐—ฐฬถ๐—ผฬถ๐—ปฬถ๐—˜๐—ก๐—–๐—˜?
"๐˜—๐˜ฆ๐˜ข๐˜ค๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜จ๐˜ฉ ๐˜š๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฏ," they proclaimed.

By: Marc C. Marcaida

A future forged
with copper,
nickel,
cobalt,
and siliconโ€”

the elements
promising jobs,
investments,
innovation,
and a brighter tomorrow.

A future polished in progress.
A promise painted in gold.
But beneath every shine,
there lies a shadowโ€”
a price the Earth may have to pay.

They say
the future is in our hands.

Of course.

Because before we inherit tomorrow,
someone else must surrender todayโ€”
their land,
their livelihood,
even their life.

Mountains become mines.
Forests become figures.
Rivers become reports.
And the peopleโ€”
they become
background noise.

Artificial Intelligence
is learning to listen,
to respond,
and to adapt.

But in a nation full of voices,
is governed by leaders
who mastered speaking,
but forgot listening.

Perhaps
technology and artificial intelligence
doesnโ€™t need update,
the government does.

They say
foreign investments
will transform
the nation.

But what happens
when biodiversity
becomes the down payment?

When communities
pay the cost
for a future
they were never asked
to choose?

Progress
should never mean
sacrificing nature
for artificial intelligence,
or silencing people
for profit.

Because peace cannot be manufactured by machines
or manufactured through silicon.

It must be earned.

Earned by planting hope in our forests,
building bridges in our communities,
and giving a voice to stories buried beneath the silence.

For a nation
rich in minerals
must never become
poor in wisdom.

Otherwise,
Pax Silica
will be remembered
not as
Peace through Silicon,
but as

๐™‹๐™š๐™–๐™˜๐™š ๐™ฉ๐™๐™ง๐™ค๐™ช๐™œ๐™ ๐™Ž๐™ž๐™ก๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š.

Art by: PJ Ruperto

๐’๐‚๐ˆ๐๐“๐ˆ๐‹๐‹๐€๐“๐„ ๐Œ๐Ž๐Œ๐„๐๐“๐’------------------------------------------------Ang Pilipinas ay hinubog ng dugo, pawis, at buhay ng ...
30/07/2026

๐’๐‚๐ˆ๐๐“๐ˆ๐‹๐‹๐€๐“๐„ ๐Œ๐Ž๐Œ๐„๐๐“๐’

------------------------------------------------

Ang Pilipinas ay hinubog ng dugo, pawis, at buhay ng mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay makamit lamang ang ating kalayaan. Gayunpaman, ang lahat ng ito'y unti-unti nang nakalilimutan, at ang mga pagsasamantala'y muling sumisiklab sa lipunan.

๐—ž๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ฎ๐˜†๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐—ป
ni: Mae

Bayan kong pinaglaban sa dayuhan,
Mga ninunong ang buhay ay binawian,
Dugoโ€™t pawis ang inalay para sa kalayaan,
Makamtan lamang ang kapayapaan.

Panahon ang nagdaan at mga araw ay lumipas,
Kuwento nila ay tila isang haka-hakang kumupas;
Kinalimutan ang sakripisyoโ€™t naging mapagmataas,
Para sa isang kusing ng sentimong sa mamamayan ay lumagas.

Dilim ng nakaraan ay tila unti-unting nagbabalik,
Sa masaโ€™y pinipilit na huwag itangkilik;
Mga nakaupong sa pera ay nasasabik,
Tila isang kadena sa baya'y gumigipit.

Layout by: Raquel Sabado
Photocredits: Pinterest

๐Ž๐๐ˆ๐๐ˆ๐Ž๐ | Pax Silica: Kaunlaran nga ba o Panibagong Hamon sa Soberanya?๐ง๐ข ๐’๐จ๐ฉ๐ก๐ข๐š ๐€๐ฒ๐ž๐ฌ๐ฌ๐š ๐†๐š๐ฅ๐š๐ง๐จ๐ญ๐žAng salitang "Pax" ay la...
29/07/2026

๐Ž๐๐ˆ๐๐ˆ๐Ž๐ | Pax Silica: Kaunlaran nga ba o Panibagong Hamon sa Soberanya?

๐ง๐ข ๐’๐จ๐ฉ๐ก๐ข๐š ๐€๐ฒ๐ž๐ฌ๐ฌ๐š ๐†๐š๐ฅ๐š๐ง๐จ๐ญ๐ž

Ang salitang "Pax" ay latin na ang ibig sabihin ay "peace", habang ang silica ay tumutukoy sa siliconโ€“isang pangunahing materyal na ginagamit sa paggawa ng computer chips na nagpapatakbo ng Al, smartphones, computers, at iba pang mga kagamitang digital.

Ang Pax Silica ay isang inisyatiba na pinangungunahan ng Estados Unidos para palakasin ang supply chain ng Artificial Intelligence, semiconductors at critical minerals na kinakailangan para sa modernong teknolohiya.

Ang Pilipinas ay opisyal na naging kalahok sa inisyatibang ito noong Abril 2026, kabilang ang planong pagpapatayo ng 1,620-hectare Pax Silica Hub sa New Clark City, Capas, Tarlac .

Mga Pinangakong Benepisyo:
Papasok ang Pilipinas sa inisyatibang ito dala ang napakalaking pangako ng modernasyon. Ayon sa gobyerno, magiging pinto ito upang makilala ang bansa sa pandaigdigang Iarangan ng Al. Bukod sa paglilikha ng daan-daang libong bagong trabaho, aasahan din umano ang pagdagsa ng mga foreign investors gamit ang mga insentibong CREATE MORE Act.

Subalit sa kabila ng makukulay na pangakong ito, nananatili ang malaking tanong: ANO ANG KAPALIT?

Ang pinakamalaking banta nito ay ang matinding panggigipit sa ating likas na yaman, partikular na ang tubig at lupa. Ayon sa mga pag-aaral, ang isang dambuhalang data center ay kayang sumipsip ng hanggang limang milyong galon ng tubing bawat arawโ€”katumbas ng pang araw-araw na pangangailangan ng isang buong bayan. Sa gitna ng patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam at ang paulit-ulit na pagbabawas sa alokasyon ng tubig sa Metro Manila at Central Luzon, isang malaking kataksilan sa mamamayan ang pagbigay-priyoridad sa mga dayuhan habang ang mga lokal na residente at magsasaka ay nawawalan ng patubig at naaabala sa mga water outage.

Hindi rin matatakasan ang hagupit nito sa ating kagubatan at kabundukan. Dahil sa matinding pangangailangan ng Pax Silica sa mga critical minerals tulad ng nickel at copperโ€”na hayagang pinag-iinteresan ng mga dayuhang bansa tulad ng Israelโ€”inaasahan ang mas agresibong pagpapalawak ng pagmimina sa bansa. Ang panibagong alon na ito ng industriyal na pagmimina at pag-angkin ng libo-libong ektarya ng lupa ay hindi lamang sisira sa kalikasan, kundi magdudulot din ng sapilitang pagpapalayas sa ating mga magsasaka at mga katutubong pamayanan mula sa kanilang sariling ancestral domain. Sa huli, malinaw ang ibinabala ng proyektong ito: ang modernisasyong ipinangako sa atin ay itatayo sa ibabaw ng tuyong lupa, sirang kalikasan, at itinapong kapakanan ng mga Pilipino.

Ano ang halaga ng pagiging kabahagi ng pandaigdigang rebolusyon sa AI kung ang kapalit nito ay ang tuyong lalamunan ng ating mga magsasaka at ang sirang tahanan ng ating mga katutubo? Hindi natin tinatanggihan ang pag-unlad, ngunit hindi kailanman dapat maging kapalit ng teknolohiya ang ating kalikasan at dignidad. Bago natin ipagmalaki ang 'Pax Silica,' tiyakin muna natin na ang ipinangakong modernisasyon ay hindi maitatayo sa ibabaw ng tuyong lupa, sirang kabundukan, at itinapong kapakanan ng mamamayang Pilipino.

๐‹๐š๐ฒ๐จ๐ฎ๐ญ ๐›๐ฒ: ๐‘๐š๐ช๐ฎ๐ž๐ฅ ๐’๐š๐›๐š๐๐จ

28/07/2026

Pre-service Teachers with their solidarity dance entitled โ€œSimulaโ€

๐Ÿ“ท: Mark Neil A. Habon

Address

Darapidap, Candon City, Ilocos Sur
Candon
2710

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Sand Castle posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share