
27/09/2025
๏ธ Lihis sa landas, Muling Pagtanaw ๐
โจ๏ธ Sa layo ng tingin, tanglaw ang nakaraang nagningning. โจ๏ธ
Ang malamig na simoy ng hangin, mga ilaw na nakasisilaw na kung masdan at ang bulwagang puno ng tao na nananabik sa pagbukas ng pintuang puno ng alaala ng bayan. Sa pagpatay ng ilaw ay ang kasabay ng pagyanigโhindi ng gusali bagkus ang kilabot ng bawat isa sa muling pagbalik ng ating SUPREMO. โ๏ธ
Katahimikan ang bumalot sa mga manonood, parang ulap na dahan-dahang lumatag sa paligid. Walang tinig, walang galawโtanging pintig ng damdamin ang dala-dala. Ang entablado ay nag mistulang kasaysayang muling binuhayโbawat kilos, salita at mga sigaw ay may kasamang kirot at alab na naghahain ng pagninilay.
Kita sa mga labi ng CNHSians ang sabik para sa Sarswela na pinamagatang "Ang Supremo" ni Vincent Taรฑada, na inihandog ng Philippine Stagers Foundation nitong Setyembre 18, 2025 sa Baras Baras Tarlac City.
Silakbo: Bighani sa Himig โจ๏ธ
Kasaysayang iniukit ng tinta, ini ahon ng kanta. Sa bawat pahina ng isang libro ay tila isang kampanang nagsisilbing paalalaโngunit sa pagkawala din ng ingay ang kasabay ng pagkalimot
"Paano namatay si Andres" mga katagang tila ba'y kay daling sagutan, ngunit sa mga binigkas na sagot ay walang tumama, doon nagsimula ang pagnanasa ni Vincent Taรฑada na bumuo ng sarswela na hindi lamang magpapatuwa sa mga mag-aaral kundi tatatak din sa kanilang mga puso, upang muling buhayin ang katotohanan naโ"Hindi pala mga banyaga ang wawakas sakaniya kundi ang kapwa niya Pilipino."
Tanaw. Aliw. Tanglaw.
Palakpak ng lahat, tagaktak ng luhang puno ng ala-ala. โจ๏ธ