06/07/2026
: MALINAW NA PARUSA SA MGA PAGLABAG SA PAARALAN MULA SA DEPED
Narito ang buod ng mga OFFENSES AT PARUSA batay sa inilabas na gabay ng Department of Education (DepEd):
3RD LEVEL: SEVERE OFFENSES
Pinakamabibigat na paglabag na nangangailangan ng agarang aksyon.
Mga Halimbawa:
1. Pagdadala ng mga deadly weapon
2. Bomb threat o bomb joke
3. Malubhang pananakit ng mag-aaral o school personnel
4. Pandaraya sa pagsusulit
5. Pagsali, pag-oorganisa, o pagrerecruit sa fraternity, sorority, o street gang
6. Homicide o murder
7. Paggamit, pagdadala, o pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot
8. Iba pang katulad na paglabag
Mga Parusa:
PARA SA MAG-AARAL
- 1st Offense: Non-readmission next school year; Referral sa PNP o Social Welfare Development Office
- 2nd Offense: Exclusion (Immediately dropped sa class list); Referral sa PNP o Social Welfare Development Office
2ND LEVEL: SERIOUS OFFENSES
Mas mabibigat o paulit-ulit na paglabag na nangangailangan ng mas mahigpit na interbensyon.
Mga Halimbawa:
1. Stalking sa loob ng paaralan
2. Pagsusugal o pagdadala ng gamit sa pagsusugal
3. Pananakot o pagbabanta sa kapwa mag-aaral o kawani, personal man o sa social media
4. Pagnanakaw
5. Pagsisigarilyo
6. Iba pang katulad na paglabag
Mga Parusa:
PARA SA MAG-AARAL
- 1st Offense: Suspensyon nang hindi hihigit sa limang (5) araw; Alternative learning modalities; Referral sa Social Welfare Development Office
- 2nd Offense: Non-readmission next school year; Referral sa Social Welfare Development Office
- 3rd Offense: Exclusion (Immediately dropped sa class list); Referral sa Social Welfare Development Office
1ST LEVEL: MINOR OFFENSES
Mga paglabag na hindi agad nagdudulot ng matinding pisikal, emosyonal, o sikolohikal na pinsala.
Mga Halimbawa:
1. Pagmumura o paggamit ng malaswang salita
2. Prank sa loob ng klase
3. Pagpapakalat ng maling impormasyon o fake news
4. Vandalism
5. Iba pang katulad na paglabag
Mga Parusa:
PARA SA MAG-AARAL
- 1st Offense: Written Reprimand; Abiso sa magulang o guardian
- 2nd Offense: Written Reprimand; Pormal na pagpapatawag sa magulang
- 3rd Offense: Suspensyon nang hindi hihigit sa limang (5) araw; May kaakibat na alternative learning modalities
PARA SA SCHOOL PERSONNEL
Kaukulang administratibong parusa, nang hindi isinasantabi ang maaaring pananagutang sibil o kriminal.
Nagtakda ang Department of Education ng malinaw na antas ng mga paglabag at kaukulang parusa para mapanatiling ligtas at maayos ang mga paaralan sa bansa, ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara.
"Ang disiplina ay hindi lamang pagtutuwid ng maling asal, kundi paghubog ng responsableng mamamayan," sabi ni Angara. Paalala ito sa mga magulang, mag-aaral, at paaralan.
Para sa buong detalye, basahin ang DO 006, s. 2026: www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DO_s2026_006r.pdf
I via DepEd Philippines
PAALAALA: HUWAG MATAKOT O MAG-ATUBILING I-REPORT ANG ANUMANG INSIDENTE NG BULLYING AT MGA PAGLABAG SA INYONG CLASS ADVISER, G**O, PRINCIPAL O SA ANUMANG IBANG SCHOOL PERSONNEL/OTORIDAD.