
11/09/2025
SANA PALA GINTO NA LANG ! 💔
Munting paalala sa mga taong gusto bumili ng new iPhone 17 ProMax 2 Tb .
Year 2022 ata nung pag kadating na pag kadating sa Pilipinas ng iPhone 14 ProMax bumili agad ako at nag kaka halaga ng 103K+ ,at taong 2023 bumili din ako ng Japan Gold Bracelet na may timbang na 30.63 grams 110k+ .
Ngayung taon may bagong model nanaman si iPhone . Pag check ko sa value ng iPhone 14 promax ko 40k na lang siya halos . Tas ang Japan gold bracelet ko 168k+ na dalawang taon pa lang nakaka lipas .
Ang paalala na ito ay para sa lahat . Kung ang iPhone na binili mo ay gagamitin mo para pag kakitaan ng pera sige go ! Parte ng trabaho mo yan . Pero kung hindi ? At iaaasa mo ang pang bili sa pamilya mo /jowa /utang ? Pag isipan mo ng mabuti . Alam ko may mga bagay tayo na gusto natin maranasan gamitin . Pero kung wala kang budget pag isipan mong mabuti at siguradohin di makaka apekto sa ibang tao ang disisyon mo ❤️.
Pero ngayun bibili po ako ng new model ni iPhone kasi malaking tulong yung new features niya sa trabaho ko at after ilang taon na din naka lipas bago ko palitan ang iPhone ko sulit na din to sakin .