06/12/2025
ISANG G**O ANG NAGTANONG KUNG BAKIT HINDI PUMAPASOK ANG ESTUDYANTE… ANG SAGOT, MAS MASAKIT PA SA INAAKALA NILA.
Sa Cala-cala Elementary School, may isang bata na hindi pa talaga pumapasok mula umpisa pa lang ng pasukan. Kaya ang g**o, nagdesisyong tawagan ang magulang para kumustahin.
Laking gulat niya nang ang tatay mismo ang sumipot sa paaralan.
Doon niya nalaman ang kwento na hindi niya inaasahan:
Iniwan na raw sila ng ina. At ang batang estudyante (maliit pa) siya ang nag-aalaga sa lima niyang mas batang kapatid habang ang tatay ay kumakayod kung saan-saan para lang may maipakain.
Ang bunso ay Dalawang taong gulang pa lang.
Minsan, asin lang ang ulam nila.
Madalas, bigas pa ay hinihingi sa kaibigan.
At kapag sobrang hirap ng araw, umiiyak daw silang mag-ama sa gabi—sa pagod, sa gutom, at sa bigat ng responsibilidad.
Kinabukasan, pumasok ang bata. Tahimik. Payat. Pagod.
Sabi niya sa g**o:
“Tulog pa po sila, teacher. Uuwi po ako agad bago sila magising.”
Sa likod ng murang edad, may dala siyang bigat na hindi dapat pasan ng isang bata.
Paalala ito sa mga estudyanteng may baong masarap na pagkain, may kumpletong gamit, at may pamilyang nag-aalaga:
Sobrang swerte ninyo. Hindi lahat ng bata ay may ganung buhay.
At para sa mga g**o—
Sana mas mahaba ang pasensya. Mas malawak ang pag-unawa. Mas malambot ang puso. Hindi lahat ng absent ay tamad. Hindi lahat ng late ay walang pakialam. Minsan, may mga bata talagang lumalaban sa buhay kahit hindi pa dapat.
Sa bawat patak ng luha ni Tatay, at sa bawat sakripisyong hindi nakikita ng mundo—
hindi siya nakakalimutan ng langit.