25/05/2025
Sobrang swerte mo pag yung babae mahal ka at hindi ka iniwan dahil wala kang pera. Maraming choice yan, pwede ka niyang palitan ng lalaking may pera, pwede ka niyang iwan anytime pag nagsawa na siya sa paghihirap kasama ka, pero mas pinili niyang manatili sa tabi mo kahit wala kang pera at hindi ka pa successful sa buhay. Sobrang rare ng babaeng sasamahan ka sa hirap, kaya ang swerte mo pag yung babae nagtitiyaga sayo kahit na ganyan ka. Sa hirap man o ginhawa, kasama mo siya sa lahat. At kung darating man yung araw na successful ka na, wag mo sanang kalimutan na may nag iisang babae na naniwala sayo simula una hanggang dulo.π₯°