01/09/2026
“56 kilos lang ako pero hindi ganyan ang katawan ko.”
Kasi po, kumpleto ang katawan ninyo. Ako po, isang paa lang ang mayroon at maliit pa ang isang paa ko. Kaya hindi natin puwedeng ikumpara ang katawan natin sa isa’t isa. ❤️
Magkakaiba tayo ng pangangatawan, height, body structure, metabolism, at higit sa lahat, magkakaiba tayo ng pinagdaanan. Hindi porke pareho tayo ng timbang, pareho na rin ang magiging itsura ng katawan natin.
Kaya sana, huwag nating ikumpara ang sarili natin sa ibang tao. Ang mahalaga ay inaalagaan natin ang sarili natin, pinapahalagahan ang kalusugan, at natututo tayong mahalin ang katawan na ipinagkaloob sa atin. ✨