
16/08/2025
๐๐๐ ๐ข๐ฌ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ง๐จ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐๐๐ฒ๐๐๐ฒ, ๐๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐ฆ๐๐ง ๐๐๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ
Ngayong Agosto 15, 2025, matagumpay na isinagawa ng Carmen National High School ang patimpalak sa Tagisan ng Talino at Pagbaybay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa."
Ang bawat kalahok kung saan binubuo ng apat na pangkat: Lireo, Hathoria, Adamya at Sapiro ay nagpamalas ng angking talino kung saan sinubok ng mga katanongan at baybayin ukol sa wika, kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga katanongan ay nahati sa tatlong antas bilang madali, katamtaman at mahirap na siyang pinangunahan ng mga g**o sa Filipino. Dito, naibahagi ng bawat kalahok ang kanilang galing at kasanayan sa pakikipagtalastasan.
Sa pagbabay, nakuha ng pangkat Hathoria ang unang puwesto na sinundan ng Lireo bilang pumapangalawa. Nasungkit naman ng Sapiro ang pangatlong puwesto, at pang-apat na puwesto para sa pangkat ng Adamya.
Sa kabilang banda ng Tagisan ng Talino, nagpamalas naman ng galing ang pangkat Adamya kung saan nakamit nila ang unang puwesto. Sinundan ito ng Hathoria na pumapangalawa, pumapangatlo naman ang Sapiro habang nasa pang-apat na puwesto ang Lireo.
Sa nangyaring patimpalak, naging patas at makatarungan ang naging labanan. Hindi man nakamit ng lahat ang unang puwesto, panalo naman sila sa karanasan at natutuhan mula sa mga pagkatalo at pagkapanalo. Ang pagdidiriwang ng Buwan ng Wika ay hindi lamang daan upang maipamalas ang galing ng bawat isa. Isa itong instrumento upang mas makilala ang kasaysayan at ating pinagmulan.
โ๏ธ๐ด๐๐๐๐
๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐