Bulingit

Bulingit Motivational Quotes, Love Quotes
Inspirational Quotes, Positive Quotes
Patama, Hugot, Funny Quotes.

17/10/2025

MGA BAGAY NA HINDI MO DAPAT IBINABAHAGI SA IBA:

1. MALALAKI MONG PLANO

– Madalas kasi, sobrang excited tayo kaya lahat sinasabi natin. Ang problema, kapag hindi natupad ang mga binanggit mo, iisipin ng iba na bigo ka. Tandaan, hindi mo naman kailangang ipaliwanag ang lahat sa kanila.

2. ANG LOVELIFE MO

– Ang relasyon mo ay para lang sa inyo ng partner mo. Mas maganda kung pribado ito. Kahit sa pinakamalapit mong kaibigan, may mga bagay na mas mainam na hindi na ikwento.

3. ANG SWELDO MO

– Hindi naman uso sa atin na ibahagi ang eksaktong kita, pero kung minsan nagkakuwento pa rin ang iba. Hangga’t maaari, huwag na lang, kasi hindi pare-pareho ang sitwasyon ng bawat tao.

4. MGA SUSUNOD MONG HAKBANG

– Kapag may pinaplano ka o gagawin, mas mabuting itago na lang muna. Hindi lahat ng bagay kailangang alam ng iba.

5. MGA ISYUNG PAMPAMILYA

– Mas maganda kung ang problema sa pamilya ay sa loob lang ng pamilya napag-uusapan. Kapag nailabas mo ito, hindi mo na makokontrol kung paano ikukwento ng iba, at baka pati kayo na ang gawing paksa ng tsismis.

6. MGA PROBLEMA SA TRABAHO

– Sabi ng mga eksperto, huwag masyadong ilabas ang sama ng loob sa trabaho. Kasi baka isipin ng iba na hindi ka masaya o kuntento. At hindi mo naman sila lahat mabibigyan ng update sa totoong sitwasyon.

7. MGA NARINIG MONG KWENTO TUNGKOL SA IBA

– Kung hindi mo alam ang buong detalye, huwag nang ikuwento. Kung tsismis lang din, wala kang karapatan ikalat ito.

Her Thoughts

17/10/2025

Kung ayaw mong pasan mo pa rin ang mga anak mo pagtanda mo? Eto gawin mo ngayon.
Maraming magulang ang buong buhay nagbanat ng buto, tapos sa huli sila pa rin ang inaasahan. Hindi dahil tamad ang anak kundi madalas kasi hindi sila naturuang maging independent. Kung ayaw mong mangyari yon, eto ang mga dapat mong simulan habang maaga:

1. Turuan silang kumayod, hindi lang mag-aral.
Grades are good, pero diskarte ang kailangan nila sa totoong buhay. Bigyan mo sila ng maliliit na responsibilidad like tumulong sa bahay, magbenta, mag-ipon ng sarili nilang pera. Diyan nabubuo ang tiwala sa sarili.

2. Huwag gawing safety net ang bahay.
Kapag kaya na nilang tumayo sa sarili, hayaan mo silang matuto. Tinuturuan mo lang silang maging matatag.

3. Huwag mo silang laging sagipin.
Kapag palaging may “Nanay o Tatay to the rescue,” hindi nila mararanasan kung paano bumangon mag-isa. Hayaan silang magkamali, kasi doon sila matututo.

4. Pag-usapan nyo ang pera.
Hindi nakakahiya ang money talk. Ipakita mo kung paano ka nagba-budget at nag-iipon. Kapag alam nila kung gaano kahirap kitain ang pera, mas magiging responsable sila.

5. Ipakita mo sa gawa, hindi lang sa salita.
Kung ikaw ay disiplinado, marunong mag-ipon, at hindi umaasa sa iba, gagayahin ka nila. Dapat ikaw ang role model nila.

6. Palitan mo ang “utang na loob” ng “responsibilidad.”
Ang goal mo hindi yung magbayad sila sa’yo, kundi matuto silang tumayo sa sarili. Ang pinakamagandang regalo ng magulang? Anak na hindi mo kailangang alagaan habang buhay.

7. Ipakita ang tunay na adulting.
Wag mo itago ang stress, pagod, at responsibility. Kapag nakita nilang real talk ang pagiging magulang, mas rerespetuhin nila ang effort mo at matututo silang maghanda sa sarili nilang laban.

13/10/2025
09/10/2025
03/10/2025

Don't Post everything, build in private 💯

03/10/2025

01/10/2025
28/09/2025

Address

Carmen

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bulingit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Bulingit:

Share

Category