27/08/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            “Sobrang sakit ng ulo at pagsus**a, stroke na pala”😱 ‼️For awareness, long post ahead‼️ Ito si Mama noong time na sinugod namin sya sa hospital way back 2023 dahil sobrang sakit ng ulo, at mayat maya ang s**a nya. Hindi na din sya makalakad sa sobrang hilo. 
Iba ang diagnosis ng unang doctor na tumingin😔 Hanggang sa pinalipat kami sa ibang hospital na may ICU at bl00d bank daw kasi need salinan. Hirap na hirap kami maghanap ng hospital na may ganun dahil puro puno daw kahit private pa. Lagpas lima yata yung napuntahan namin na hindi sya tinanggap. Yung iba, duda nalang yata kung may pambayad ba kami kaya puno nalang sinasabi😅
Even sa ambulansya na maghahatid pahirapan talaga. Mga 8 am or 9am kami umalis para maghanap ng malilipatan pero mga hapon na kami nakahanap. Di ko malilimutan yung mga sigaw ni mama habang nasa ambulansya dahil sa sakit ng ulo.
Mabuti nalang napunta kami sa Unihealth Southwoods, walang silang ICU at bl00d bank pero sinubukan na namin at baka may first aid man lang na pwedeng ibigay. Napa THANK YOU LORD talaga kami noong tinanggap kami at inadmit nila si mama after assessment. 
Inobserbahan nila si mama dahil tuloy ang pagsus**a at sakit ng ulo nya. Ang nakita lang nila ay mataas na sugar. May mga binigay na meds para sa sugar, sakit ng ulo at pag sus**a kaya medyo naging okay naman na.
After 2 days, sabi ni mama kung pwede ba tingnan yung ulo nya kasi sobrang sakit talaga. At ayun nga, nag decide sila na ipa CT scan. Saka lang nakita na may bara sa utak nya at confirmed na stroke nga. Cerebellum ang tinamaan. 
Akala namin mild lang talaga at walang epekto bukod sa hilong hilo sya to the point na nakatigilid nalang ang ulo nya at nakapikit. Nailabas namin sya after 6 days. 
Napansin namin na habang lumilipas ang araw noong nasa bahay na sya, unti unti nang nagpakita ang mga epekto ng stroke, yung salita, yung tabinging mukha, balanse, weak side ng katawan, involuntary movements etc.  Umabot ng months bago lumabas lahat.
May ganun daw pala talaga. Iba sa akala natin na kapag nastroke ka makikita agad ang symptoms. Yung akala natin na simpleng sakit ng ulo at pagsus**a, posible palang malalang sakit na. 
Lesson learned, wag manghinayang mag pacheck up kung may nararamdaman dahil buhay mo ang nakasalalay. 
Magtabi paunti unti para sa emergency fund dahil dito sa bansa natin, kapag wala kang pera, mapapadali ang buhay mo😔
Until now, hindi parin sya makalakad. Nabulag din sya dahil sa katarata pero naoperahan na. Patuloy ang therapy at exercises dahil umaasa parin kami na one day, hindi man bumalik sa normal ang lahat ay kahit man lang sana makakatayo ulit sya at makaupo ng mag isa ay napakalaking bagay na yun para sakanya at saamin na pamilya nya🥹🙏