03/08/2026
Naghatid ng karangalan sa Pilipinas si Alex Eala matapos masungkit ang kauna-unahan niyang WTA Tour championship. Sa kanyang panalo sa Mubadala DC Open, naging unang Pilipinong manlalaro na nagwagi ng isang WTA Tour singles title.
Agad namang bumuhos ang pagbati at papuri mula sa mga Pilipino at tennis fans sa iba’t ibang panig ng mundo. Itinuturing ang tagumpay ni Alex bilang isang makasaysayang milestone para sa Philippine tennis at inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga atleta.