24/10/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ - ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!โ
WISHFUL ANCESTRAL DOMAIN ASSOCIATION OF KALANGUYA, INC. (WADAKA)
Mapagpalang Araw at Maraming Salamat po!
Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang pormal na nilagdaan sa pagitan ng Wishful Ancestral Domain Association of Kalanguya (WADAKA) na kinatawan ni G. Romy L. Paay, Tagapangulo, kasama si G. Cecelio Liwag, Pangulo ng Coffee Growers Association, at mga kinatawan mula sa Department of Trade and Industry (DTI) โ Regional Office.
Ang nasabing pagpirma ay dinaluhan at nasaksihan nina Dr. Richard Simangan Asst. Regional Director PD Warren Patrick Serrano Ma'am Marilou Santos Dr. Donato B. Bumacas, NCIPโNueva Ecija Provincial Officer, Gng. Mary B. Abad, Former Mayor ng Carranglan na kumatawan kay Kgg. Rogelio B. Abad, at Vice Mayor Eric Manucdoc Punong Barangay Rogelio Ruel Lagat Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa Department of Agriculture (DA), Farm Tech of CLSU at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Layunin ng kasunduang ito na palakasin ang Shared Service Facility (SSF) para sa Proyekto ng Produksyon at Pagproseso ng Kape na iginawad sa mga Kalanguya CADT holders sa pamamagitan ng kanilang samahang WADAKA. Sa pamamagitan nito, mapapaunlad ang produksyon, pagpoproseso at kabuhayan para sa komunidad ng mga Katutubong Mamamayan.