Mommy Crishel

Mommy Crishel Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mommy Crishel, Digital creator, Purok4 del pilar castillejos, Castillejos.
(2)

Simpleng buhay May bahay|
samahan nyo ko sa Araw Araw na Gawain ng Isang nanay ...♥️😍🥰
HELLO MGA KUMARE KONG TUNAY😁

FULL-TIME MOM•BUDOLFINDS•COOKING

FOR COLLABORATE&PROMOTION
📩[email protected]

13/09/2025

HAHA , SINONG RELATE🤣

NEW LOOK , CHANGE LIFE 🥰😊KAMUSTA MGA MOMIES 😊
04/09/2025

NEW LOOK , CHANGE LIFE 🥰😊

KAMUSTA MGA MOMIES 😊

24/08/2025

Sana soon makabalik na Ako sa pag minivlog 🥺

PARA SA MGA LALAKI!!!!Kapag ang babae tumigil na sa pagseselos, sa pagtatanong kung nasaan ka, kung sino kasama mo, at h...
18/08/2025

PARA SA MGA LALAKI!!!!

Kapag ang babae tumigil na sa pagseselos, sa pagtatanong kung nasaan ka, kung sino kasama mo, at hindi na nagtetext o nagaalala kung uuwi ka pa—hindi ibig sabihin okay siya. Ibig sabihin, napagod na siya.

Kapag “okay lang” na lang ang sagot niya, o “hindi ako galit,” kahit halatang may mabigat sa loob niya—yun na yung huling luha. Wala na siyang lakas para maghabol o magpaliwanag.

Hindi maingay ang babae kapag iniwan ka—naging maingay siya noon kasi gusto ka pa niyang ipaglaban. Pero nung hindi mo siya pinakinggan, unti-unti siyang tumahimik.

At kapag babae na ang sumuko—mas masakit.
Alam mo kung bakit?

Kasi hindi agad yan sumuko.
Tiniis ka muna, inintindi ka, umiyak nang paulit-ulit nang palihim, bago siya tuluyang bumitaw.
Kaya pag siya na ang umayaw—mas totoo, mas malalim, mas masakit.
ccto

Slay mama 💜
15/08/2025

Slay mama 💜

14/08/2025

Madalas, kapag nakapag-asawa na ang isang babae, nawawala na ang oras para sa ibang bagay—lalo na para sa sarili. Sa dam...
14/08/2025

Madalas, kapag nakapag-asawa na ang isang babae, nawawala na ang oras para sa ibang bagay—lalo na para sa sarili.

Sa dami ng responsibilidad sa pamilya at mga anak,
halos wala nang natitirang oras para alagaan ang sarili.

Kaya minsan,
nasasabi ng ibang kapwa nanay,

"Bakit ang haggard mo na?"
"Bakit parang losyang ka na?"

Hindi ba pwedeng marami lang siyang inaalagaan na anak,
at walang katuwang na tunay na masasandalan?

Yung taong inaasahan niyang
magiging kakampi niya sa pag-aalaga at pag-aaruga
ay wala naman sa tabi niya.

May asawa nga siya,
pero hindi naman siya sinusuportahan
o dinadamayan sa kanyang mga pinagdadaanan.

Yung stress at anxiety na araw-araw niyang kinakaharap
ay nagiging pabigat,
at dahil doon, nawawalan na rin siya ng oras para alagaan ang kanyang sarili.

Samantalang ang partner na lalaki,
kadalasan ay may oras pa rin para lumabas
kasama ang mga kaibigan o gawin ang mga hilig niya.

Kaya minsan,
hindi mo masisisi ang asawang babae
kung nagbabawal siya sa mga bagay na para sa kanya
ay hindi patas.

Kasi buong oras, atensyon, at pagmamahal niya
ay binuhos niya na sa kanyang pamilya.

Minsan,
ang simpleng pag-unawa at suporta mula sa asawa
ay sapat na para mabawasan ang bigat ng pag-aalaga
at pag-aaruga sa araw-araw.

Sana, bago natin husgahan ang isang nanay,
tanungin muna natin kung kumusta siya
kung okay pa ba siya.

Dahil ang totoo,
lahat ng ginagawa niya ay para sa mga taong mahal niya,
kahit minsan, nakakalimutan na niyang mahalin din ang sarili niya.🫂

ccto

tama Isipin mo, pinahihirapan mo pa ang INA ng anak mo,gayong umiikot ang buong mundo niya sa pagbibigay ng pagmamahal, ...
13/08/2025

tama

Isipin mo, pinahihirapan mo pa ang INA ng anak mo,
gayong umiikot ang buong mundo niya sa pagbibigay ng pagmamahal, kaligtasan, at seguridad sa anak mo.

Walang tunay na LALAKI na gugustuhing makita ang ina ng kanyang anak na nahihirapan.
Kasi kung nahihirapan siya, nahihirapan din ang mga ANAK mo.
Magisip ng mabuti!

Bago mo taasan ang boses mo sa asawa mo, tanungin mo muna sarili mo: “Kaya mo ba 'yung buong tao ilabas sa katawan mo?”K...
12/08/2025

Bago mo taasan ang boses mo sa asawa mo, tanungin mo muna sarili mo: “Kaya mo ba 'yung buong tao ilabas sa katawan mo?”

Kasi siya, nagawa niya ‘yon.

Ilang oras siyang nakikipaglaban sa sakit na parang pinipilipit siya habang buhay.

Contractions na walang pahinga, parang hinahampas ang kaluluwa niya every few minutes.

Paulit-ulit.

Walang pause.

Walang skip ad.

At kung hindi man siya dumaan sa normal delivery, baka tinusok siya sa spine ng karayom na akala mo pang construction site — epidural.

Pero kahit may anesthesia, gising pa rin siya, ramdam pa rin, takot pa rin.

Pero kinaya niya. Para sa anak n'yo. Para sa inyo.

Wala siyang hinihinging kapalit. Hindi siya naglilista.

Pero sana naman… respeto lang. 'Wag kalimutan.

Alam mo kung anong mas mahirap pa sa labor?

Yung araw-araw niyang pinipiling intindihin ka kahit pagod na siya.

Yung araw-araw niyang pinipiling maging nanay, asawa, sarili — sabay-sabay.

Hindi mo naman kailangan maramdaman lahat ng sakit na dinanas niya para matuto kang umayos.

Minsan, sapat na ‘yung konting empathy at tamang pagtrato.

Kasi ang totoong pagmamahal, tahimik.

Hindi barubal. Hindi pabigla-bigla. Hindi nananakit.

At kung di mo man siya kayang ipagtanggol sa mundo, sana ‘wag ka nang dumagdag sa dahilan kung bakit umiiyak siya sa gabi.

Saludo sa lahat ng babaeng hindi lang nanganak — pero araw-araw ipinapanganak muli ang tapang, tiyaga, at pagmamahal para sa pamilyang pinili niya.

12/08/2025
04/08/2025

pasensya na MGA mare wla kasing wifi at nagloloko po 🥺 bawi Po next time

Address

Purok4 Del Pilar Castillejos
Castillejos
2208

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mommy Crishel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Mommy Crishel:

Share