30/09/2025
๐๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐ฌ๐๐ | ๐ฆ๐ฎ ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐น ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐๐บ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป
Kaban ng taumbayan ang nagpaangat sa mga tiwali sa bansa at ang tanging sukli ay pinatinding panganib ng bagyoโt baha, kaya panahon na upang singilin ang walang habas na pandarambong sa sistema.
Naging sentro ang usaping flood control projects matapos ihayag ni Pangulong Ferdinand โBongbongโ Marcos Jr. sa State of the Nation Address (SONA) nang ika-28 ng Hulyo na may mga anomalyang nagaganap na naging dahilan sa pagkawala ng P118 bilyon, gayundin ang paglipana ng mga โsubstandardโ at โghost projectsโ sa ibaโt ibang panig ng bansa.
Piraso lamang ito ng pangkalahatang krisis sa mga kapalpakan ng proyekto, katarungan ang isinisigaw ng masaโmaituwid ang baluktot na sistema at mapanagot ang mukha sa likod ng mapaminsalang pakana.
Mula nang taong 2022, tinatayang nasa P100 bilyon ang halaga ng pondong naiulat na naipamahagi sa 15 mga kontraktor sa bansa, tiyak na kuwestiyunable ang pinatakbong kalakaran dahil sa kabila ng pagpaplano at pagpopondo, mababa ang kalidad o โdi kaya namaโy walang kahit anino ng proyekto ang tatambad sa mata ng masa.
Sa usaping substandard, ang proyekto ay masasabing tinapos ngunit itoโy tinipid naman sa kalidad, ganito ang bumungad kay Pang. Marcos sa Calumpit, Bulacan. Sa kabilang dako, ang ghost projects ay tumutukoy sa mga proyektong pinondohan ngunit kahit kailaโy hindi nasimulan, gaya na lamang ng P77 milyon sa Barangay San Agustin, Hagonoy, Bulacan at P55 milyon naman sa Barangay. Piel, Baliuag, Bulacan.
Tunay na kalagayan na mismo ng mga proyekto ang nagmumulat sa taumbayan na ang pinagpapagurang buwis ay madaling nakakamkam ng mga mapagpanggap na kakampi, pinaglaruan at kinalimutan na lamang ang plano sa progreso: nasaan ang responsibilidaโt integridad?
Katuwang sa imbestigasyon, umaksyon ang Senate Blue Ribbon Committee sa pagsisiyasat at pagpapanagot ng mga sangkot sa katiwalian sa flood control projects, kabilang sa pagdinig si Sarah Discaya na nagmamay-ari ng siyam na korporasyon, kasama ang Alpha & Omega Gen. Contractor & Development Corp at St. Timothy Construction Corporation na nakapaloob sa mga nangungunang korporasyon na nakatanggap ng bilyun-bilyong pondo para sa flood control projects.
Bukod diyaan, batid ng publiko ang kaniyang โlavish lifestyleโ matapos maibandera ang 28 kumpirmadong mamahaling mga sasakyan, dahilan upang tiyakin ang koneksyon ng kaniyang masaganang pamumuhay sa paglaho ng mga pondoโt proyekto.
Patikim pa lamang ang lahat, mariing pinangalanan ni Discaya ang pagkakasangkot ng 17 mambabatas sa mga anomalyang nagaganap at maging sina House Speaker Martin Romualdez at Representative Elizaldy Co (Ako Bicol Party-list) sa ikatlong public hearing.
Unti-unti nang nabubunyag ang mga mukha sa likod ng katiwalian, sadyang nakakadurog ng tiwala na mismong kakampi sana ng bayan ang siyang mismong kumakalaban sa pagpapabuti ng bansa.
Katulad nito, noong ika-25 ng Setyembre lamang, tahasang ibinunyag ng dating sundalo na si Orly Regala Guteza na may idinadalang โbasurangโ nasa maleta na naglalaman ng humigit kumulang na P48 milyon sa bahay nina Congressman Zaldy Co at dating House Speaker Romualdez. Mistulang basura na lamang pala ang pinag-isang halaga ng masa? Nagmumula na mismo ang pang-aalipusta sa itaas, hindi na garantisado ang katapatan ng gobyerno at hindi aakalaing ang pondo na poprotekta sana ay ibinasuraโt ibinulsa.
Binigyang-diin naman ng Pasig City Mayor Vico Sotto ang kalakarang โdiploma systemโ o paggawad ng kontrata na tila diploma sa mga kontraktor nang walang proseso ng ebalwayson at bidding, kung ganito o hindi man ang kuwento ng pandarambong, ang panawagan: higit pang palawakin ang imbestigasyon hindi lamang sa mga ahensya ng gobyerno, bagkus gayundin sa mga lokal na sangay nito.
Kaalinsabay ng kontrobersiyang ito, talamak din ang usapin sa bawat sulok ng gobyerno. Ang mga fertilizer scams sa Department of Agriculture (DA), overpriced laptops sa Department of Education (DepEd), COVID funds at ghost patients sa Department of Health (DOH), mga kotong at procurement issues sa Philippine National Police (PNP), at marami pang iba.
Sa pamamagitan ng pinagsamang puwersa ng taumbayan na bumoses at tumindig, kasangga ang mga tunay sa gobyerno na lumitis at luminisโwalang duda na maitutuwid ang lahat ng kabaluktutan at mapananagot ang lahat ng kasangkot, nasa kamay ng paniningil ng taumbayan naman ang pagbabago.
โโโโโโโโโโโโโโโโโโ
Isinulat ni Charles Justine Cuadra
Iginuhit ni Erica Mea Saldivar