25/12/2025
๐๐๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐๐ (๐๐๐๐๐๐) ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด, ๐ญ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐น๐ฒ๐ โ Patuloy na nagsagawa ng Information Awareness Drive ang 69th Infantry (COUGAR) Battalion, Philippine Army, sa pamumuno ni LTC MARK ANTHONY B. RUELOS, INF (GSC) PA, Commanding Officer ng 69IB, na may pangunahing layuning palakasin ang kamalayan ng mamamayan hinggil sa usapin ng ๐ช๐ฒ๐๐ ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ฆ๐ฒ๐ฎ (๐ช๐ฃ๐ฆ) at ang kahalagahan nito sa pambansang soberanya at territorial defense.
Pinangunahan at dinaluhan ng mga opisyal ng 69IB at katuwang na ahensya ang aktibidad, kabilang sina 1LT ALEX B. PAZ (INF) PA, Commanding Officer ng Alpha Company, 69IB; 2LT ELINOR GRACE G. IMPANG (QMS) PA, Civil-Military Operations Officer ng 69IB; 2LT RIZZAMAE Q. LAMOSTE (OS) PA, Platoon Leader ng Alpha Company, 69IB; 2LT RONIL P. TIPANERO (INF) PA, Team Leader ng 5SFC, 2SFBN, SFR(A); PMSg Jayson I. Torio, Team Leader ng 1PMFC; at PO2 Jimbo L. Antonio, Deputy Commander ng Masinloc, Philippine Coast Guard (PCG).
Sa nasabing aktibidad, tinalakay ang kasalukuyang sitwasyon sa West Philippine Sea, ang papel ng Armed Forces of the Philippines at iba pang security forces sa pagtatanggol sa teritoryo ng bansa, at ang mahalagang gampanin ng mga lokal na pamahalaan at mamamayan sa pagbibigay ng tamang impormasyon at suporta sa mga hakbang ng pamahalaan.
Kasunod nito, ipinaliwanag din ang mga banta ng insurhensiya, kabilang ang mga modus at recruitment activities ng CPPโNPAโNDF, upang maprotektahan ang komunidad laban sa maling ideolohiya na naglalayong sirain ang kapayapaan at kaayusan. Tinalakay rin ang Army Recruitment Program bilang bahagi ng pagpapatatag ng pambansang seguridad.
Aktibong nakilahok sa Information Awareness Drive ang mga mamamayan at barangay functionaries, sa pangunguna nina Hon. Gena E. Eduad, Barangay Chairman ng Brgy. Bamban, at Hon. Rolando Ponillas, Barangay Chairman ng Brgy. Santa Rita, Masinloc, Zambales.
Sa pamamagitan ng ganitong mga gawain, pinagtitibay ng 69th Infantry (COUGAR) Battalion ang matibay na ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at law enforcement agencies upang mapalakas ang kaalaman ng komunidad, mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, at maprotektahan ang mamamayan laban sa banta sa pambansang soberanya at seguridad.