16/10/2025
๐๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ฌ | ๐๐ข๐ฑ๐ข๐ต ๐๐ข
โ
โSa gitna ng mundong puno ng tanong at paliwanag,
โNaroon kaโฆ tahimik, ngunit pusong nakakagaan ng paglakad.
โHindi ko kailangang marinig ang salitang โatinโ
โSapat na ang tawag mong may lambing, tila musika sa hangin.
โ
โBawat mensahe mo, tila araw na sumisikat,
โSa bawat โgood morningโ lungkot koโy agad na napapawi.
โHindi man malinaw kung saan patungo itong daan,
โKontento akong kasama ka, sa bawat sandaling dumaraan.
โ
โIsang gabi, inaya mo akong kumain... tayong dalawa lang,
โAt sa simpleng sandaling โyon, puso koโy tila walang kapantay ang ligayang nakamtan.
โSa unang pagkakataon, naranasan kong maging espesyal sa isang tanaw,
โTila kumpletong larawan ng araw ko nang ikaw ay nariyan sa tabi ko.
โ
โSa bawat mensahe mo, kumpleto ang bawat oras at sandali,
โParang ikaw ang bahaging matagal ko nang hinahanap sa isang araw na abala at malungkot lagi.
โIkaw pa lamang ang nagparamdam sa akin ng ganoong saya,
โNg ngiti at kilig na hindi ko akalaing mararamdaman ko pa.
โ
โIkaw ang dahilan ng ngiti sa bawat pagbangon,
โKasangga sa laban, lakas sa panahon ng pag-ahon.
โSa gitna ng unos, ikaw ang tahimik na sigaw ng pag-asa,
โTinutulak akong lumaban, hindi bumitaw sa laban ng bukas.
โ
โWalang titulo, walang pangako, ngunit totoo,
โAng koneksyon nating sa puso koโy matibay at buo.
โKaya kahit โcallsignโ mo lang ang akin,
โSapat na iyonโฆ dahil ikaw ay sa araw koโy liwanag at ginhawa rin.
โ
โAt kahit hindi ko man alam kung saan ito hahantong,
โSapat na sa akin na nakilala kita ginoo,
โAng tipo ng lalaking matagal ko nang inaasam...
โAt ngayon, ikaw ay bahagi na ng bawat patak ng aking kasiyahan.
โ๏ธ // Eddie Jr Camposano
๐จ // Clare Alemania