
04/06/2025
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ญ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ญ๐๐ง๐ , ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ฐ๐๐ง๐๐ : ๐๐๐ญ๐๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐ค๐๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ฌ๐ค๐๐ซ๐ญ๐
Anim na taon. Ilang libong pangako. Isang daan at labing-apat na milyong Pilipinong umaasa.
Sa gitna ng krisis sa pamahalaan, tumambad ang isang balitang mas masahol pa sa bulok na sibuyasโang impeachment ni Bise Presidente Sara Duterte. Isang usapin na hindi lamang tungkol sa posisyon, kundi tungkol sa pag kuwestiyon ng kanyang integridad at pananagutan.
Noong Pebrero 2025, isang desisyong yumanig sa buong bansa ang ginawa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso: inaprubahan nila ang impeachment complaint laban kay Bise Presidente Sara Duterte. Hindi ito basta-basta usapin ng pagkakawatak-watak ng mga partido o personal na away. Ito ay usapin ng tiwala ng mamamayan sa isang opisyal na sinumpaang magsilbi sa bayan.
Tatlong matitinding akusasyon ang nakadikit sa kanyang pangalan. Una, ang umanoโy pagbabanta sa mismong Pangulo, sa kanyang asawa, at kay House Speaker Martin Romualdez. Ikalawa, ang mabilis at kahina-hinalang paggamit ng mahigit kalahating bilyong pisong confidential fund sa loob lamang ng labing-isang araw. At pangatlo, ang tahimik niyang posisyon sa patuloy na agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea, isang isyung bumabagabag sa bawat Pilipinong mangingisda at sundalong Pilipino.
Pero sa halip na paglilinaw, panibagong ingay ang dumating. Sa halip na magsilbing ilaw, tila isa siyang aninong patuloy na nagkukubli sa likod ng kapangyarihan. Habang ipinakikita ng ilang mambabatas ang lakas ng loob na panagutin siya, tahimik ang ibang institusyonโtila takot, o baka kasabwat.
Sa kanyang panig, matapang ang sagot ni Duterte: hindi siya aatras. Hindi siya magbibitiw sa pwesto. At higit pa riyan, hindi raw sarado ang pinto sa ambisyon niyang maging Presidente sa 2028. Isang deklarasyong hindi lang mapangahas, kundi tila isa ring sampal sa mga paratang sa kanya.
Ngunit habang abala sa pagtatanggol sa sarili si Duterte, patuloy ang paghihirap ng taumbayan. Habang nagbibilang ng milyong pisong pondong hindi maipaliwanag, nagbibilang ng baryang ipangtatawid-gutom ang karaniwang mamamayan. Habang pinaglalabanan ng Senado at Kongreso ang kapangyarihan, pilit pa ring nilalabanan ng mga Pilipino ang gutom, kawalang-asa, at pagkalugmok.
Sa halip na harapin ang tunay na problemang Pilipinoโang mahal na pamumuhay, ang sirang sistemang pang-edukasyon, ang pag-abandona sa mga maralitaโtila mas abala sila sa pamumulitika. Sa pagbibida ng kani-kanilang lakas. Sa pagtatanggol sa mga alyadong may bahid ng katiwalian. Habang ang taumbayan ay nakapila para sa ayuda, silaโy nakapila para sa kapangyarihan.
Ito ang masakit, habang lumulubog sa baha ang mga probinsya, lumulubog din tayo sa paulit-ulit na drama sa kapangyarihan. Habang nagtitiis ang jeepney driver sa taas ng diesel, nagtatalo ang mga senador kung sino ang karapat-dapat sa committee chairmanship. Habang nawawala ang kumpiyansa ng kabataan sa kinabukasan, ang mga mambabatas natin ay parang mga batang nag-aagawan sa laruan.
Hindi ito ang lideratong pinangarap natin. Hindi ito ang gobyernong karapat-dapat sa isang daan at labing-apat na milyong Pilipino.
Sa isang bansa kung saan ang hustisya ay tila mabagal, at ang kapangyarihan ay kayang itago ang kasalananโang impeachment ni Sara Duterte ay hindi pagtatapos ng isang kabanata. Ito ang simula ng pagtutuwid. Ng pagkukuwestiyon. Ng pag-aaklas ng katotohanan. Na kapag ang Kapangyarihan ay Itinatago, ang Bayan ang maglalantad.
โ๏ธ: ๐๐ถ๐ญ๐ช๐ฆ๐ฏ๐ฏ๐ฆ ๐๐ด๐ฉ๐ญ๐ช๐ฆ ๐๐ข๐ฏ๐ต๐ฐ๐ด
๐๏ธ: ๐๐ข๐ถ๐ณ๐ช๐ป๐ฆ ๐๐ช๐ฐ๐ณ๐ฅ๐ข๐ฏ๐ฆ ๐๐ถ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฆ๐ฃ๐ฆ๐ญ๐ญ๐ข