12/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐ || ๐๐๐ฌ๐ฅ๐ข๐, ๐๐๐ซ๐ฆ๐ข๐, ๐๐๐ง๐ฃ๐ข๐, ๐๐ซ๐ข๐ฑ๐ข๐: ๐๐๐๐ง๐จ ๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐๐ง๐ญ๐๐ ๐ง๐ ๐ฌ๐ก๐จ๐ซ๐ญ ๐๐ข๐ฅ๐ฆ ๐๐ง๐ ๐ซ๐๐ฒ๐๐ฅ๐ข๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐๐๐๐+ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ
"Parang may wrong.โ
Mula sa mga salitang ito nagsimulang umikot ang kuwento ng maikling pelikulang "Leslie, Germie, Benjie, Trixie,โ na sa unang tingin ay tila tipikal lamang na q***r short film, ngunit nagtataglay ng lalim sa bawat eksenang ipinapakita.
Nakasentro ang naratibo sa capstone research project ng magkakaibigan, tungkol sa paggawa ng isang produktong may kakayahang magsilbing fertilizer at herbicide. Gayunpaman, taliwas sa kanilang inaasahan, tila mali ang bawat kalkulasyon at hakbang na kanilang ginagawa, animoโy humahantong lamang sa isang paulit-ulit na "syntax error."
Ngunit higit pa sa kabiguang pang-akademiko ang nais isalaysay ng pelikula. Sa unti-unting pagkalanta ng kanilang inaalagaang gumamela, ipinapakita rin ang pagharap ng kanilang samahan sa samuโt saring pagsubok. Kasabay ng paglago ng damo sa paso, ang tuluyang paglalantad at pagpapalalim ng mga karanasan, identidad, at hamong kinakaharap ng bawat karakter sa lipunang kanilang ginagalawan. Ito ay mga karanasang sumasalamin sa reyalidad ng maraming kasapi ng komunidad ng LGBTQIA+.
๐๐๐ ๐ค๐๐ค๐๐๐ข๐ ๐ค๐ข๐ฌ ๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ
Inilarawan ng magbabarkadang sina Leslie (Yanni Villarosa), Germie (Denbert Tiamson), Benjie (Red Ward), at Trixie (Junjun Salarzon) ang naging karanasan ng ilang bahagi ng LGBTQIA+ community sa loob at labas ng paaralan.
Kinakatawan ng magkakaibigan ang bawat kabahagi ng komunidad na kinakailangang may napapatunayan at nagagawang kahanga-hanga. Sila ay inilagay sa mga kahong kailangang punan, maging ito man ay pagiging magaling na lider, matalinong estudyante, o malikhaing personalidad bago tuluyang tanggapin at respetuhin.
Kung kaya't sa paghahangad ng grupo na maiuwi ang Gawad Agham para sa kanilang isinasagawang proyekto, hindi lamang ito patungkol sa simpleng pagnanais ng titulo. Bagkus ito rin ay nagpapakita ng paghahangad na matanggap at makilala sa kung sino man sila dahil sa kanilang ginawang kahanga-hanga.
Sa kabila ng lahat, sumentro ang kwento sa โdi matatawarang pagkakaibigan ng apat. Sa pamamagitan ng kanilang nabuong samahan, nagagawa nilang dalumatin nang may tapang at kumpiyansa ang mga isteryotipikong pamantayan na ipinataw sa kanila. Gayong pinatunayan nilang ang kanilang pagkakaibigan ay higit pa sa pinagsalusahang saya, kundi maaari rin itong maging sandalan at kanlungan ng bawat isa mula sa mapangmatang lipunan.
๐๐ ๐ฉ๐๐ ๐ญ๐ข๐๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ญ๐๐ก๐ข๐ฆ๐ข๐ค๐๐ง
Sa karakter ni Leslie, inilantad ng pelikula ang isang masalimuot na sitwasyon ng pag-ibig na nababalot ng pagkakaibigan at paggalang sa damdamin ng iba. Bilang isang lesbiyana, nahulog ang loob niya sa babaeng may pagtingin sa kaniyang kaibigang si Benjie. Higit pang naging komplikado ang sitwasyon dahil minsan ding nagkaroon ng paghanga si Benjie sa babae. Sa halip na ipahayag at ipaglaban ang kaniyang nararamdaman, pinili ni Leslie na maging maingat at unahin ang kapakanan ng kaniyang kaibigan.
Sa kabila ng kaniyang nararamdaman, hindi naging sentro ng kaniyang desisyon ang pansariling kagustuhan, kundi ang pagpapanatili ng respeto sa damdamin ng mga taong mahalaga sa kaniya. Sa mas malalim na pagtingin, ang katauhan ni Leslie ay sumasalamin sa mga taong pinipiling mahalin nang tahimik sa halip na ipilit ang isang damdaming maaaring magdulot ng sigalot sa huli.
Mula sa simpleng pagtingin sa malayo, tahimik na maliliit na ekspresyon, at mga matang naghahangad na mapansin, ipinakita ng pelikula na hindi lamang ang mga heterosexual na relasyon ang nakakaranas ng emosyonal na komplikasyon. Sapagkat dumaraan din ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa parehong mga suliranin sa pag-ibig, gaya ng pag-amin ng damdamin, pagsasakripisyo, at pangambang baka masira ang isang mahalagang relasyon.
Sa ganitong paraan, ipinauunawa ng pelikula na ang pag-ibig ay hindi nasusukat sa kasarian o seksuwal na oryentasyon. Bagkus, sa kakayahang igalang ang damdamin ng iba at tanggapin na may mga pagkakataong ang pinakamahirap na desisyon ay ang piliing tumibok ang puso ngunit sa katahimikan lamang.
๐๐ ๐ฉ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฅ๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง
Samantala, sa karakter ni Germie, na isang bakla, ipinakita ng pelikula ang mabigat na pasaning dulot ng inaasahan ng pamilya sa kinabukasan ng isang anak. Dahil sa likod ng kaniyang mga ngiti at pagpapatawa, nakaukit ang mga pasanin mula sa kaniyang pamilya.
Bilang nagmula sa pamilyang nasa larangan ng medisina, inaasahang sumunod sa yapak ang kaniyang magiging desisyon sa kolehiyo. Subalit, taliwas ito sa nais ng kaniyang pamilya, photography at photojournalism ang tinitibok ng kaniyang puso.
Sa kabila nito, pinili pa rin ni Germie na unahin ang kagustuhan ng kaniyang pamilya, kaysa sa sarili niyang pangarap. Ipinakita ng pelikula ang reyalidad ng maraming kabataang napipilitang isantabi ang kanilang mga ambisyon upang suklian ang sakripisyo ng kanilang mga magulang o matugunan ang inaasahan ng kanilang pamilya.
Sa katauhan ni Germie, naipakita na ang tunay na tunggalian ay hindi lamang tungkol sa pagpili ng kurso, kundi sa pagpili sa pagitan ng sariling kaligayahan at ng obligasyong mapasaya ang mga taong mahal niya. Dahil dito, naging mas makatotohanan ang kaniyang karakter, sapagkat sumasalamin ito sa karanasan ng maraming kabataan at anuman ang kanilang kasarian o seksuwal na oryentasyon.
Hanggang sa pagpapatuloy ng kwento, tuluyang nag-iba ang ihip ng hangin na nagbigay-daan upang maiparating ng pelikulang ang mensaheng: ang tunay na pagmamahal ng pamilya ay hindi nasusukat sa propesyong pipiliin ng isang anak, kundi sa kanilang kakayahang unawain at suportahan ang mga pangarap na magbibigay sa kaniya ng tunay na katuparan. Sa pamamagitan nito, ipinarating na ang pagtanggap ng kaniyang inaasam ay hindi lamang tungkol sa pagkilala sa identidad, kundi pati na rin sa pagyakap sa kaniyang mga pangarap at landas na nais tahakin.
๐๐ ๐ฅ๐๐ง๐ญ๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ฅ๐ข๐ญ๐จ
"So, sinong sasagutin mo?โ
Sa tanong na ito mula kay Leslie ay dinala ng pelikula ang kuwento sa kalituhang nararanasan ni Benjie na isang bisexual na indibidwal, bunga ng pagkakahati ng kaniyang isipan sa dalawang taong nagbigay ng liham.
Dito, tuluyang itinampok ang naratibo patungkol sa karanasan ng mga bisexual sa kanilang nararamdaman, madalas na hindi nauunawaan ng lipunan. Pinatunayan ng pelikula na ang pagkalito ni Benjie ay hindi bunga ng kaniyang seksuwal na oryentasyon, kundi ng natural na proseso ng pagtitimbang ng damdamin sa pagitan ng dalawang taong may mahalagang puwang sa kaniyang buhay.
Sa likod ng pag-usal ni Benjie ng, "Syntax error, malala!", isinasalarawan ang pagkalito ni Benjie sa pagkakahati ng kaniyang damdamin. Bagama't tinanggap na niya ang kaniyang sariling pagkakakilanlan, hindi pa rin siya nito nabigyan ng agarang kasagutang hinahanap niya. Sa halip, ipinakita ng pelikula na ang pagtanggap sa sarili ay hindi awtomatikong nag-aalis ng pagdududa at kalituhan, lalo na sa usapin ng pag-ibig at pagkatao.
At sa pamamagitan ng kaniyang karakter, binibigyang-diin ng pelikula na ang pagiging bisexual ay hindi nangangahulugang hindi makapagpasya o sabay na nagmamahal sa lahat. Sapagkat isa lamang itong sekswal na oryentasyon, tulad ng iba pa, nararanasan din ng mga taong kabilang dito ang parehong pag-ibig, pagdududa, at emosyonal na tunggalian.
Gayunpaman, ipinararating din ng pelikula na: โWalang formula ang kabaklaan. Walang law or theorem na dapat mong sundan. Hindi mo kayang kontrolin. Hindi mo kayang disiplinahin.โ Sapagkat, binigyang-daan ng pelikula na ipadinig na hindi nasusukat sa dalawang normatibong seksuwalidad ang kasarian ng isang taoโbagkus ito ay malawak.
๐๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ญ๐๐ง๐ข๐ค๐๐ฅ๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐๐ซ๐๐ฅ๐๐ง
Sa likod ng mga nakakatawang linyahan, isinisiwalat ng pelikula ang mga kahindik-hindik na karanasan ng komunidad sa loob ng paaralan. Sa pagpapakilala kay Principal Chacha, mas binigyang-diin ang ilang hamon na kinahaharap ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community bunsod ng mga alituntunin sa paaralan na kadalasang hindi isinasaalang-alang ang kanilang identidad.
Halimbawa nito ang isinagawang pagbabago sa pagpapakita ng identidad ni Trixie, isang transgender, upang payagan siyang maipresenta ang kanilang proyekto. Ang mga pampaaralang alituntunin gaya ng haircut policy na nangangatwirang maging kaaya-aya at presentableng tingnan ang isang estudyante ay tumataliwas sa hangarin na magkaroon ng inklusibong pag-aaral para sa lahat at palakasin ang kanilang dignidad at pagpapahalaga sa sarili.
Ang senaryong ito ay hindi lamang bunga ng imahinasyon ng manunulat, bagkus ito ay sumasalamin sa reyalidad na kinakaharap ng miyembro ng komunidad partikular sa mga transgender. Sapagkat sa kabila ng mahigpit na haircut policy, hindi lamang napipilitang gupitin ng ilang estudyante ang kanilang buhok, ito ay pagtatatwa sa kung sino sila.
Maliban sa haircut policy, binibigyang pansin din ng usaping ito ang iba pang mga patakaran sa uniporme, pananamit, at pagpapahayag ng sarili na nagiging sanhi ng diskriminasyon, pangungutya, at pagkawala ng espasyong maging malaya sa loob ng paaralan. Sapagkat, sa halip na maging ligtas na lugar para sa pagkatuto, naipapakita ng pelikula kung paano nagiging bahagi rin ang ilang regulasyon sa pagpigil sa pagkilala at pagtanggap sa kanilang tunay na pagkatao.
๐๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐ฉ๐ ๐ฌ๐ ๐ข๐๐๐ง๐ญ๐ข๐๐๐ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ซ๐๐ฆ๐ฉ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ
โNo to Chacha!โ
Sa pag-alingawngaw ng mga katagang ito ay ang pagbuo ng mas matibay na tungtungan ng pelikula sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community. Gayong binigyang-pansin ng pelikula na hindi sukatan ang kasarian sa pagtindig sa reyalidad na nagaganap sa lipunan.
Sa kabila ng mga tunggaliang hinaharap ng mga kasapi ng komunidad, hinahamon ng pelikula ang mga nakasanayang pananaw ng lipunan na madalas nagtatakda kung paano dapat kumilos, manamit, o magmahal ang isang tao batay sa kaniyang kasarian. Ipinapaalala nito na ang pagiging LGBTQIA+ ay hindi isang pagkakamali, hindi bunga ng pagpili, impluwensiya, o kakulangan sa disiplina, kundi bahagi ng sariling pagkatao na nararapat igalang at unawain.
Sa huli, malayang nanindigan ang apat sa kanilang pagkakakilanlan at sa kung ano ang tama. Mula rito, ipinakita nilang hindi natatakpan ng ningning ng kanilang kulay at pagiging masigla ang mga kaguluhang nangyayari sa loob ng isang institusyon at lugar na kinabibilangan. Dahil bilang isang komunidad na patuloy na niyuyurakan at hinahamak, handang rumampa at ibandera ng LGBTQIA+ community ang kanilang karapatan para sa mas magandang buhay at bukas para sa lahat. ยถ
Verbo: Niรฑo Balawang
Lapat: Prescilla Bianes