05/12/2025
WILMA, LUMALAPIT SA EASTERN VISAYAS; MALAKAS NA PAG-ULAN, NAGPAPATULOY
Napanatili ng Bagyong ang lakas nito habang patuloy na lumalapit sa Eastern Visayas ngayong Biyernes ng gabi. Batay sa huling update mula sa PAGASA, nananatiling nakatambay sa karagatang sakop ng Borongan City, Eastern Samar ang bagyo.
Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal #1 sa halos buong Visayas (maliban sa katimugang bahagi ng Negros Island), ilang bahagi ng CARAGA, Northern Mindanao, Bicol Region at MIMAROPA.
Inaasahang magla-landfall si Wilma sa Eastern Samar Sabado ng gabi o Linggo ng madaling umaga at tatawirin ang Kabisayaan hanggang Lunes ng susunod na linggo.
Bagaman hindi kalakasan ang hangin na dala ng bagyo, ang pinakamalaking banta nito ay ang dami ng ulan na ibabagsak nito sa Visayas at Bicol Region, dahil na rin pinapalakas ni Wilma ang shear line.
Manatiling alerto laban sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Northern Samar News Updates
NORTHERN SAMAR NEWS UPDATES