15/12/2024
Ang hirap mag-asawa sa panahon ngayon...
Ang hirap mag-asawa ngayon dahil maraming lalakeng bonjing, irresponsable, tamad, walang pangarap, walang plano sa pamilya, hindi alam ang responsibilidad bilang padre de pamilya. Kaya ang babae ang papasan sa lahat ng pagkukulang pero kapalit ang kanyang kagandahan at kasiyahan. Pagtapos anakan ng madami, iiwan.
Nakakalungkot na nag-aambag na nga financially, babae pa rin ang gagawa ng gawaing bahay, mag-aalaga sa mga anak, magseserbisyo sa kanyang mister at sa family planning. Hindi alam ng lalake na maraming nagbabago sa katawan ng isang babae sa pag pipills, IUD, implant, patch, ligate... Tapos expect pa rin ng lalake na dapat maganda pa rin at fresh ang kanilang misis.
Tapos Kung sino pa ang hindi financially stable, sila pa malakas magpadami ng anak. Wala na nga ma-ambag dahil sa kalimitan ng mga lalaki ngayon BATUGAN, nakukuha pa manakit physically sa mga asawa/partner!
kung sino pa yung pinagsisilbihan at minamahal ng totoo sila pa nagloloko tapos an lakas magpasa ng mali! Dba ang galing?!
Asan na ang "tulungan?"
Asan na ang provider husbands?
Asan na ang yung marunong sa family planning? Asan na ang mga responsableng lalake?
Asan na ang mapagmahal na mga tatay?
Asan na ang mga "knight and shining armor?"
Paunti na ng paunti sila dahil imbes pangaralan ang mga kalalakihan, babae ang inaalipusta sa pagkakaroon ng high standards.
Kaya masisisi mo ba na dumadami ang strong independent woman, single, single mom, furrmommies, high standards, mapili at hindi na martir?!!