Escritory

Escritory ๐˜”๐˜จ๐˜ข ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ด, ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ธ๐˜ข๐˜ญ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ข๐˜บ๐˜ขโ€™๐˜ต ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ธ๐˜ข๐˜ต ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ธ.

Ang "kaibigan mo lang" noon,siya pala ang tahimik mong tinatangi.Siya pala ang palihim mong pinapangiti.Siya pala ang un...
06/06/2025

Ang "kaibigan mo lang" noon,
siya pala ang tahimik mong tinatangi.
Siya pala ang palihim mong pinapangiti.
Siya pala ang unti-unting pumalit sa puwang ko,
habang ako ay nagtitiwala sa 'yo.

'Di mo sinabi.Na habang iniisip kong pinipilit moย lang talagang magpokus sa ginagawa mo,Niyayakap mo na pala ang ibaย sa ...
06/06/2025

'Di mo sinabi.
Na habang iniisip kong pinipilit moย 
lang talagang magpokus sa ginagawa mo,
Niyayakap mo na pala ang ibaย 
sa likod ng mga "pagod lang ako"
At mga "wala lang akong time."
Saka pala nagkakaroon ng lakasย 
ang mga hinala kong pilitย 
kong isinasantabi noon.

Na habang akoโ€™y tapat na naghihintay...
May ibang kamay ka na palang hinawakan.

At sa totoo lang, mas mahirap ang ganoong klase ng pamamaalam, โ€™yung wala kang ibang puweding sisihin kundi ang panahon ...
05/06/2025

At sa totoo lang, mas mahirap ang ganoong klase ng pamamaalam, โ€™yung wala kang ibang puweding sisihin kundi ang panahon at tadhana.

Sinubukan kong ilihis ang damdamin,ngunit mas lalo lang akong nilulunod ng katotohanan: ikaw pa rin.Hindi ko alam kung d...
04/06/2025

Sinubukan kong ilihis ang damdamin,
ngunit mas lalo lang akong nilulunod ng katotohanan: ikaw pa rin.
Hindi ko alam kung dahil ikaw ang paborito kong kausap, o dahil ikaw lang talaga ang hindi ko kayang mawala.

At kung isang araw, kapag nagsawa ka sa taas,kapag napagtanto mong hindi lahat ng makinang ay totoo,baka maalala mong ma...
04/06/2025

At kung isang araw, kapag nagsawa ka sa taas,
kapag napagtanto mong hindi lahat ng makinang ay totoo,
baka maalala mong may isang taong minahal ka nang buo,
kahit anong antas mo pa noon.

Ako โ€˜yon.

Mas masakit pala ang pagkawala sa gitna ng katahimikan. Mas masakit kapag hindi mo man lang naramdaman na may kulang. Da...
04/06/2025

Mas masakit pala ang pagkawala sa gitna ng katahimikan. Mas masakit kapag hindi mo man lang naramdaman na may kulang. Dahil ang inakala mong ligtas na tahanan, isa na palang pintuang papalayo. Ang hawak mong kamay, matagal na palang kumakalas kahit anong higpit ng pagkakahawak mo. At ang akala mong pagmamahal, matagal na palang lumalayo kahit hindi nagsasalita.

Hindi lahat ng pinaghiwalay ay itinakdang hindi na muling magkikita. Minsan, ang tunay na pag-ibig ay kailangang lumayo ...
04/06/2025

Hindi lahat ng pinaghiwalay ay itinakdang hindi na muling magkikita. Minsan, ang tunay na pag-ibig ay kailangang lumayo para mas mapagtanto kung gaano ito kahalaga. Kung kayo nga ay itinadhana, magtatagpo rin kayo sa panahong pareho na kayong buo.

Ang pagpapalaya sa taong mahal mo ay hindi kahinaan. Itoโ€™y lakas na nagmumula sa pusong marunong umunawa. Dahil sa kabil...
03/06/2025

Ang pagpapalaya sa taong mahal mo ay hindi kahinaan. Itoโ€™y lakas na nagmumula sa pusong marunong umunawa. Dahil sa kabila ng pagnanais mong manatili siya, pinipili mong igalang ang kanyang kalayaan. Dahil mas mahalaga sa iyo ang kanyang kapayapaan kaysa sa sariling kasiyahan. At iyan ang tunay na pag-ibig, ang pagkilala sa karapatang lumigaya, kahit hindi na ikaw ang dahilan.

Binitawan koโ€ฆ hindi dahil ayaw ko.Binitawan koโ€ฆ dahil may pangarap akong kailangang abutin,kahit ang kapalit ay ang mund...
02/06/2025

Binitawan koโ€ฆ hindi dahil ayaw ko.
Binitawan koโ€ฆ dahil may pangarap akong kailangang abutin,
kahit ang kapalit ay ang mundo na dati kong kinagisnan.

At sana, balang-araw, sa muling pagbuklat ng pahinang ito, masabi ko sa sarili ko na tama ang desisyong iyon.Hanggang di...
01/06/2025

At sana, balang-araw, sa muling pagbuklat ng pahinang ito, masabi ko sa sarili ko na tama ang desisyong iyon.

Hanggang dito na muna. Tahimik pa rin ang gabi, pero sa katahimikang ito, ramdam ko ang paggalaw ng bukas.

17/06/2023
Napakagandang Bag!  Bagay na bagay pang-regalo para kay Tropa,Kuya, Tatay, at Bunso. Check out Legazyยฎ Baybayin Backpack...
15/04/2023

Napakagandang Bag! Bagay na bagay pang-regalo para kay Tropa,Kuya, Tatay, at Bunso.

Check out Legazyยฎ Baybayin Backpack | Pasan 2.0 | Kayumanggiat 37% off!Get it on Lazada now! | https://invol.co/cli18sr

https://invol.co/cli18sr

Address

Cauayan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Escritory posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Escritory:

Share

Category