13/12/2025
ππππππ πππππππππ, ππππππππ ππ 5ππ ππ
Bumisita sa tanggapan ng 5th Infantry Division (5ID) si Lieutenant General Aristotle D. Gonzales, PAF, Commander ng Northern Luzon Command. Ito ang kaniyang unang opisyal na pagbisita sa mga Star Troopers na pinamumunuan ni Major General Gulliver L. SeΓ±ires. Sa kanyang talumpati,binigyang-diin ni Lt. Gen. Gonzales ang kahalagahan ng pagkakaisa,kahandaan, at magkakaugnay na pagkilos sa ilalim ng pilosopiyang PRESS ON NOLCOM: One Frontier, One Defense.
Binigyang-linaw niya na layunin ng kanyang pagbisita ang personal na pakikipag-ugnayan sa mga tauhan at pagpapatibay ng mga panuntunan at matiyak na ang estratehikong direksyon ng NOLCOM ay epektibong naibababa sa mga yunit na nasa frontline.
Layunin din ng kaniyang pagbisita na palakasin ang moral ng mga tropa at kilalanin ang napakahalagang ambag ng 5th Infantry Division sa pagpapanatili ng kapayapaan, pagtugon sa mga sakuna, at pagpapatibay ng kabuuang kakayahang pandepensa ng bansa. Pinuri ni Lt. Gen. Gonzales ang dedikasyon at propesyonalismo ng dibisyon, at kinilala ang kanilang matibay na paninindigan sa paglilingkod.