30/11/2025
๐ ๐๐๐ง ๐๐ก๐ฆ๐ฃ๐๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ข๐๐๐๐๐๐ฅ๐ฆ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก, ๐ฆ๐จ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฌ ๐ฆ๐ ๐ง๐๐ ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐ง๐ฅ๐๐ง๐ข ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฃ
Cauayan City - Nagsanay ng tatlong araw ang mga Meat Inspection Officers (MIO) sa Cagayan hinggil sa tamang pamantayan at wastong pagtrato sa mga hayop sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office (PVET) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.
Pinangunahan ni Provincial Veterinarian Dr. Noli Buen ang pagsasanay na tumutok sa mga pamantayan, proseso, at wastong pangangalaga sa mga hayop na ginagamit bilang pagkain.
Ayon kay Dr. Myka Ponce, Veterinarian IV ng PVET, tinalakay sa mga MIO ang Animal Welfare Act of 8485, mga patakaran sa humane handling sa pagkatay ng hayop para sa pagkain, kahalagahan ng animal reproductive health, at pregnancy diagnosis sa food animals.
Bukod sa PVET, nagsilbing tagapagturo rin sina Dr. Sheridan Fulgencio, Dr. Billy Baculi, at Dr. Alvin Mecate mula sa National Meat Inspection Services (NMIS) Region 2, gayundin sina Dr. Aileen Bulusan at Romulo Salas mula sa Philippine Carabao Center (PCC).
Sa unang araw ng aktibidad, naging panauhing tagapagsalita si OIC-Regional Technical Director Dr. Venus Garcia ng National Meat Inspection Service Region 2.
Kasama rin sa programa ang praktikal na pagsasanay sa slaughterhouse ng Tuguegarao City, kung saan itinuro ang tamang loading, transport, at unloading ng food animals, humane restrain at handling techniques, humane slaughter methods at stunning techniques, pati na rin ang pregnancy diagnosis sa pamamagitan ng re**al palpation upang maiwasan ang pagkatay sa mga buntis na baka at kalabaw.
Source: CPIO
-------------------------
โ
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ
โ
โ
โ
โ