16/09/2025
BRIPAMA | Marcos Jr., Aprubado ang Dagdag-Sahod, Medical Benefits para sa mga Empleyado ng GOCC.
Bilang pagkilala sa malaking ambag ng mga Government-Owned or Controlled Corporations (GOCCs), inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang dagdag-sahod at medical allowance para sa kanilang mga empleyado.
Sa pagdiriwang ng GOCCs' Day, hinimok din ni Pangulong Marcos ang mga korporasyong ito na tiyaking ang kanilang record-high dividends, na umabot na sa higit PhP106 bilyon ngayong taon, ay mapupunta sa mga proyektong makakatulong sa mga Pilipino, tulad ng mga paaralan, ospital, at mga programang panlipunan. Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng GOCCs sa pagpapaunlad ng bansa at pagpapabuti ng serbisyo publiko.