06/09/2026
⚠️ SAFETY FIRST: IMPORTANT LPG WARNING FROM JAMEIN LPG ⚠️
Kapag nakaramdam o nakaamoy kayo ng singaw ng LPG (gas leak) sa inyong bahay, tandaan ang mga IMPORTANTENG STEPS na ito para maiwasan ang sunog o pagsabog:
MGA DAPAT GAWIN AGAD:
1️⃣ ISARA ANG REGULATOR - I-off agad ang main valve ng inyong LPG tank para mapigilan ang tuloy-tuloy na pagtagas ng gas.
2️⃣ BUKSAN ANG PINTO AT BINTANA - Hayaang pumasok ang sariwang hangin para makasingaw at lumabas ang naipong gas sa loob ng bahay.
3️⃣ LUMABAS KUNG MATINDI ANG AMOY - Kung nahihilo na kayo o sobrang tapang ng amoy, lumabas muna ng bahay at lumayo sa area.
MGA HINDI DAPAT GAWIN (STRICTLY PROHIBITED):
❌ HUWAG magbubukas o magpapatay ng de-kuryenteng switch (ilaw, electric fan, appliances). Ang maliit na kislap/spark mula sa switch ay pwedeng maging sanhi ng pagsabog!
❌ HUWAG gagamit ng cellphone sa loob ng kusina o malapit sa tangke.
❌ HUWAG magsisindi ng posporo, lighter, o kandila.
PAANO I-CHECK KUNG SAAN ANG TAGAS?
Kapag nakasingaw na ang gas at ligtas na, gumamit ng SOAP AND WATER TEST. Mag-mix ng tubig at sabon (tulad ng dishwashing liquid), ipahid ito sa hose at regulator. Kung saan may BUBBLES na lumalabas, doon may tagas!