17/10/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐ป๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ณ๐๐๐๐
Sa mundong punong-puno ng mga nakahahawang sakit kagaya ngโtigdas, lagnat, pneumonia, ubo't  sipon at iba pang malalalang sakit na maaaring makuha o mahawaan ng mga tao, kinakailangan ang matinding pag-iingat. 
Kamakailan lang, may sakit na kumalat bansa, maraming mga mag-aaral mula sa ng unibersidad o kolehiyo ang nagkasakit dulot ng isang partikular na flu na naging sanhi upang suspendihin ng ang ilang mga klase sa mga partikular na lugar na apektado nito para sa kaligtasan ng mga mag-aaral. 
Ang naturang sakit na kumakalat ay ang ๐๐ง๐๐ฅ๐ฎ๐๐ง๐ณ๐. Ito ay isang impeksiyon sa ilong, lalamunan, at baga ng isang tao na bahagi ng respiratory system. Maaari itong magdulot ng mild illness o malubhang sakit na posibleng mauwi sa kamatayan. Mayroong iilang sintomas na maaring makuha sa sakit na itoโsakit sa ulo, pagpapawis, panlalamig, ubo at lagnat. Upang maiwasan ang ganitong sakit, maaaring kumuha ng bakuna para dito. 
Sa kabilang banda, may apat na uri ang influenza. Ito'y A, B, C at D. Nagdudulot ang influenza A ng pana-panahong epidemya at ito'y responsable sa pandemik. Ang influenza B ay pareho lang sa influenza A ngunit hindi gaanong kalala. Ang influenza C ay karaniwang nagdudulot lamang ng banayad na sakit sa paghinga at hindi nagdudulot ng mga epidemya sa mga tao, habang ang influenza D ay pangunahing naapektuhan ay mga hayop tulad ng baka ngunit hindi pa kumpirmado kung nagdudulot ito ng sakit sa mga tao. 
Kahit ang iba rito ay hindi gaano kalala gaya ng influenza D, mag-ingat parin dapat ang lahat sa bawat oras upang makaiwas sa gulo at sakit. Ugaliing magsuot ng facemask kung may ubo't sipon ang isang tao, kapag walang facemask, maaaring gumamit ng panyo o ng braso para itakpan ang pag-ubo. 
Samakatuwid, masasabi rin na ang influenza ay isang malubhang sakit para sa kalusugan ng tao at maaaring ikamamatay rin ito. Upang maiwasan ang sakit na 'to, ugaliing magkaroon ng proper hygiene gaya ng paghuhugas ng kamay at pagliligo ng katawan araw-araw. Mas maigi kung ang isang tao ay magpapabakuna dahil ito ay epektibo at mapoprotektahan ang kalusugan sa sakit gaya ng Influenza.
โ๏ธ Hannah Marielle S. Pineda
๐จ Beatrice Dolis