25/06/2025
Sa pamamagitan ng pagpili ng pagpapakasaya at pagpapakasarap sa mundo ay pagtaboy (pagsayang) ng kabutihan para sa kabilang buhay
َيَوْمَ يُعْرَضُ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ عَلَى ٱلنَّارِ أَذْهَبْتُمْ طَيِّبَٰتِكُمْ فِى حَيَاتِكُمُ ٱلدُّنْيَا وَٱسْتَمْتَعْتُم بِهَا فَٱلْيَوْمَ تُجْزَوْنَ عَذَابَ ٱلْهُونِ بِمَا كُنتُمْ تَسْتَكْبِرُونَ فِى ٱلْأَرْضِ بِغَيْرِ ٱلْحَقِّ وَبِمَا كُنتُمْ تَفْسُقُونَ
-Surah Al-ahqaf ayah-20
Sa Araw na yaon, ihaharap ang mga tumanggi sa katotohanan sa apoy ng impiyerno, at sasabihin sa kanila: ‘Ang mga kasayahan, aliw, at kaginhawahan ng mundo ay nilustay ninyo na; tinamasa ninyo ang lahat ng iyon dito sa makamundong buhay, kaya ngayon, kabayaran ninyo ay ang kahihiyan at matinding parusa, dahil sa inyong pagmamataas at hindi pagsunod sa mga kautusan sa lupa nang walang katwiran.
ٱعْلَمُوٓا۟ أَنَّمَا ٱلْحَيَوٰةُ ٱلدُّنْيَا لَعِبٌۭ وَلَهْوٌۭ وَزِينَةٌۭ وَتَفَاخُرٌۭ بَيْنَكُمْ وَتَكَاثُرٌۭ فِى ٱلْأَمْوَٰلِ وَٱلْأَوْلَٰدِ ۖ كَمَثَلِ غَيْثٍۢ أَعْجَبَ ٱلْكُفَّارَ نَبَاتُهُۥ ثُمَّ يَهِيجُ فَتَرَىٰهُ مُصْفَرًّۭا ثُمَّ يَكُونُ حُطَٰمًۭا ۖ وَفِى ٱلْءَاخِرَةِ عَذَابٌۭ شَدِيدٌۭۖ وَمَغْفِرَةٌۭ مِّنَ ٱللَّهِ وَرِضْوَٰنٌۭ ۚ وَمَا ٱلْحَيَوٰةُ ٱلدُّنْيَآ إِلَّا مَتَٰعُ ٱلْغُرُورِ
-Surah Al Hadid-Ayah20
Ito ay pagsasalarawan ng buhay dito sa mundo Sinabi ni Allah:
Alamin ninyo na ang buhay sa mundong ito ay walang iba kundi laro, aliwan, palamuti, pagmamayabang sa isa’t isa, at paramihan sa yaman at mga anak. Ito ay katulad ng ulan na nagpapalago ng mga halaman na nakalulugod sa mga magsasaka, ngunit pagkatapos nito ay natutuyo, at makikita mo itong naninilaw, at sa huli ay nagiging tuyot na dayami. At sa Kabilang Buhay ay may matinding parusa, ngunit mayroon ding kapatawaran mula kay Allah at kasiyahan Niya. At walang iba ang buhay sa mundong ito kundi panandaliang kasayahan na mapanlinlang.
Ang Allah ay nagbabawal ng maraming bagay BAKIT? Para subukin ang pagtitiis mo.At sa bawat pagtitiis mo dito sa mundo pinapaltan iyon ng Allah sa kabilang buhay. Ibig sabihin ang pagtitiis mo paghihirap mo dito sa mundo ay kaginhawan naman iyon sa kabilang buhay.
قال رسول الله ﷺ:
الدنيا سجن المؤمن وجنة الكافر
Sinabi ng Propeta Muhammad ﷺ:
Ang mundo ay bilangguan para sa mga mananampalataya, at paraiso para sa mga hindi naniniwala.
Ngunit huwag kalimutan na tayo ay tinuturaan magsaya at maghanap buhay ngunit sa pamamaraang kabutihan at huwag kalimutan ang kabilang buhay.
Sinabi ni Allah:
وابتغ فيما آتاك الله الدار الآخرة ولا تنس نصيبك من الدنيا وأحسن كما أحسن الله إليك
At hanapin mo, sa pamamagitan ng anumang ipinagkaloob sa iyo ng Allah, ang tahanan sa Kabilang Buhay, at huwag mong kalimutan ang bahagi mo sa mundong ito. At magpakabuti ka, kung paanong ang Allah ay nagpakabuti sa iyo.”
[Surah Al-Qasas, 28:77]
قال رسول الله ﷺ:
ما أكل أحد طعاما قط خيرا من أن يأكل من عمل يده وإن نبي الله داود عليه السلام كان يأكل من عمل يده
Sinabi ng Propeta Muhammad ﷺ:
“Walang sinuman ang kumain ng mas mainam na pagkain maliban sa galing sa sarili niyang pinaghirapan. Tunay na si Propeta Dawud (David) ay kumakain mula sa gawa ng kanyang sariling kamay.”
(Bukhari)
Ang paggawa o hanapbuhay ay hindi lamang pinapayagan kundi isang kabutihang gawain.
Basta ito ay mula sa halal (pinahihintulutan) na paraan.
Muli huwag habulin at sambahin ang Mundo dahil ang mundo ay nilikha lamang upang apakan ng mga tao.At ang pangako ni Allah ay totoo.
Maaring pinangakuan na tayo kaya pinasusumikapan natin na abutin ang bagay na yaon. Ngunit ang Pangako ng tagapaglikha ni Allah ay mas totoo at mas higit nating abutin.
Sabi ni Allah:
إن وعد الله حق فلا تغرنكم الحياة الدنيا ولا يغرنكم بالله الغرور
Tunay na ang pangako ni Allah ay totoo, kaya huwag kayong malinlang ng buhay sa mundo, at huwag kayong malinlang ng tagapaglinlang (Shaytan) tungkol sa Allah.
-Surah Fatir