06/09/2025
Anong masasabi mo sa ginawa ng mga Jollibee employees?
Ito yung pangatlong nakita ko ngayong araw na ito wearing my DepEd uniform shirt.
Dumaan ako ng Jollibee para bilhan ng mix and match( burger and fries). Pasalubong ko sa aking anak.
Pumila ako sa take out section ng Jollibee. Pangatlo ako sa pila nung pumunta ako doon.
Noong nasa ikalawang pila na ako, napansin ko ang isang paper bag na binili sa SM Department Store. Naaaninag ko ang laman nito. Naglalaman ito ng dalawang box ng sandal at isang bag. Hindi ko sure kung may ibang laman pa ito. Naiwan ito sa baba ng take out counter ng Jollibee.
Pagkatapos makuha ng nasa unahan ko ang kanyang order ay hindi niya pinansin ang paper bag. Lalaki ang sinundan ko. Wala siyang kasabay. Pakawari ko ay hindi kanya ang paper bag dahil ang laman ng paper bag ay sandal pambabae .
Noong ako na ang sunod na oorder ay sinabi ko na ang order ko na 1 mix and match burger and fries. Pagkatapos itype ng cashier ang order ko ay kinuha ko ang paper bag at iniabot ito sa cashier.
Sabi ko: May nakaiwan po ata nito, baka may maghanap.
Kinuha ng cashier ang paper bag at ipinasa sa service crew. At ibinigay sa manager nila.
Nagtatawan silang lahat doon.
Imbes na ilagay doon sa table sa take out counter para makita ng naghahanap ay itinago ito doon sa loob na para employees quarters.
Nakasmile ang manager, naaaninag ko sa malayo. Nakasmile din pati ang mga crew. Nag eye to eye conversation ba ang mga mata.
Sabi ng cashier sa akin, hahanapin lang daw yun nh may-ari.
Ano ang hinuha mo dito sa kwento ko?
****Sa tingin mo, bakit hindi inilagay sa table na makikita ng mamimili ang paper bag?
**"*Bakit kaya nangungusap ang mga mata ng crew habang nakangiti ng iniabot ko ang paper bag?
****Sa tingin mo, nakabalik kaya ang paper bag sa may-ari?
***"Sa tingin mo, tama ba na itinago sa employees quarter ang paper bag?
NALUNGKOT AKO SA NAKITA KO.
MAHIRAP KASE MAWALAN.
HINDI LAHAT AY CAN AFFORD.
PAANO KUNG PINAGLAANAN NG PERA ANG PAGBILI NOON AT NAGTIPID PARA SA SANDAL AT BAG NA GAGAMITIN SA TRABAHO.
EJ and Fam