02/05/2025
‼️THIS IS FOR ALL PARENTS‼️ WAG NIO IWAN ANAK NIYO MAG ISA
Nabasa ko yung confession ng isang nanay na nagbigay ng gentle reminder sa mga parents sa tuwing naliligo anak nila. Etong karanasan ko sana kapulutan niyo ng aral na huwag na huwag niyong iwan yung mga anak niyong mag-isa.
Hindi ko na alam kung ako lang ba ‘to o may mali talaga, parang nanay instinct ba. Minsan kasi may mga moment na parang ang weird ng anak ko. Si Gio. Four years old na siya. Madaldal, nakakausap na namin ng maayos, makulit at mahilig sa tubig. Pero lately, parang may kakaiba. May mga araw na bigla na lang siyang titigil habang naglalaro, tapos tititig sa isang sulok. Parang may tinitingnan o kinakausap. Akala ko noon normal lang, imagination ng bata. Pero may isang nangyari na hindi ko talaga makalimutan.
Mainit nung araw na yun, parang ganitong buwan din yun, summer. Tanghali. Pinapaligo ko si Gio sa planggana sa laundry area sa likod. Favorite niya kasi yun. Tuwang-tuwa siya kasi feeling daw niya parang pool. Habang naliligo siya, sabi ko anak kukuha lang ako ng tuwalya sa kwarto. Saglit lang talaga. Wala pang isang minuto
Pagbalik ko, si Gio…
Nakal*bl()b na yung ulo niya sa tubig. Hindi gum@/g@/law. Walang malay. Parang nanlamig buong katawan ko. Hinila ko agad siya palabas habang sigaw ako nang sigaw. “Gio! Anak! Gio!” Nang!ng!nig yung k**ay ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Buti narinig ako ng kapitbahay naming nurse. Tumakbo agad siya sa amin, ni-revive si Gio. Akala ko talaga wala na siya. Pero bumalik yung hininga niya. Umiyak siya. Grabe, para akong maba/b@l!w sa t@k*t.
Pero eto yung hindi ko maintindihan kahit na minsan sinisisi ko yung sarili ko kasi iniwan ko ang anak ko.
Naka-lock yung gate sa likod. Wala namang ibang tao sa bahay. Wala rin akong narinig. Hindi man lang siya nagsisigaw o tumawag sa akin. Tahimik lang lahat, kung may nangyari sa kanya sisigaw yun ng mommy pero wala. Parang isang iglap lang nangyari lahat.
Pagkalipas ng ilang araw, nung medyo okay na siya, tinanong ko siya habang naglalaro kami sa k**a,
“Gio, anong nangyari sayo nun sa tubig?” Tumingin siya sa akin. Saglit. Parang nag-iisip. Tapos sabay sabi niya,
“Si kuya, laro lang daw… tubig”
Napakunot noo ako. “Anong kuya?” Ngumiti lang siya. “Yung kuya dito…” Tapos tinuro niya yung isang sulok ng kwarto. Kinilabutan ako. “Anong kuya yun? May pangalan ba?” Umiling lang siya.
“Hindi po… Basta kuya lang. Mabait…” Simula nun, hindi ko na siya iniiwan. Kahit maligo, katabi ko siya. Kahit matulog. Binabantayan ko siya palagi. Minsan sa gabi, naririnig ko siyang bumubulong. Mahina lang. Para bang may kausap siya. Hindi ko alam kung dapat ba akong mat@k*t, o awa yung nararamdaman ko. Pero isang gabi narinig ko siya habang nakatalikod ako,
“Kuya… ayaw ko na tubig ha… wag na, please…” At doon ako napaiyak nang tahimik. Kasi alam kong hindi lang siya nag-iisa.
Kaya to all parents out there, this is another reminder. Wala namang masama sa nag-iingat lang. Huwag kayong maging kampante pagdating sa mga anak ninyo. Huwag niyong hayaang maiwan silang mag-isa saan man sila naroroon. Naiintindihan ko na maraming kaso ngayon kung saan sinisisi ng mga magulang ang sarili nila sa nangyari, pero may mga pagkakataon talaga na akala natin ligtas na sila—hindi natin alam, may mga bagay o taong kasama sila na hindi natin nakikita.
ctto :