25/11/2025
“KATOK SA ALAS-DOS”
Tahimik ang buong bahay. Mag-isa lang si Lira sa kwarto habang scroll nang scroll sa phone. Alas-dos na ng madaling araw nang biglang—
TOK. TOK. TOK.
Napatigil siya. Kumabog ang dibdib niya. Nasa ikalawang palapag ang kwarto niya, wala namang pinto sa labas… at mas lalong walang tao sa bahay kundi siya.
Nagbingi-bingihan siya… baka hangin lang.
Maya-maya, mas malakas na—
TOK. TOK. TOK. TOK.
This time, hindi sa pinto.
Sa bintana na.
Dahan-dahan siyang lumingon. Nakita niyang gumagalaw ang kurtina kahit sarado ang bintana. Parang may humahawak mula sa labas.
Nag-ipon siya ng lakas at marahan itong binuksan ng kaunti para silipin.
Walang tao.
Pero… may tatlong marka ng kamay sa salamin.
Malalaking kamay.
Mahahaba ang daliri.
At basang-basa… parang galing sa lupa.
Habang nakatitig siya sa mga marka, may malamig na boses ang bumulong sa tenga niya mismo—
“Buksan mo…”
Paglingon niya, wala namang tao.
Pero pagharap niya ulit sa bintana…
wala na ang tatlong marka ng kamay.
Pinalitan na ito ng isang mahabang gasgas, na para bang may matulis na kuko na dumaan sa mismong salamin.
At pagkatapos noon…
hindi na tumigil ang katok.
TOK. TOK. TOK.
Hanggang ngayon, alas-dos palagi.
Comment part 2