10/11/2025
Napakasimpleng katangian pero ikapasok mo lang sa Paraiso 🥰☝️🤲
NAKAPASOK SA PARAISO DAHIL SA HINDI NAMBABARAT O NAG-OOVERPRICE❗❗❗
👉 Simpling katangian na maaaring ikapasok mo sa Paraiso, ito ay mapagpasensiya sa pagbenta at pagbili (mura kung magbenta at hindi barat kung bumili)✌🌹
👉 Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya ang biyaya at kapayapaan): “Pinapasok ni Allah sa Paraiso (Jannah) ang isang lalaking laging mapagpasensiya sa pamimili, pagbebenta, pagbabayad ng utang at pagpapautang” Ang Hadith ay authentic.
👉Ayon sa ibang Hadith:
“Minamahal “Kinalulugdan“ ni Allah ang isang taong mapagpasensya kapag siya ay nagbenta, kapag siya ay bumili at kapag siya maningil sa utang sa kanya" Iniulat ni Al-Bukhari
👉Kung siya ay namimili, hindi niya binabarat ang halaga ng paninda (lalu kung alam niyang underprice na) at hindi rin niya pinapatagal ang pagbabayad❗
-Kung siya naman magbenta, hindi siya nagmamalabis sa tubo (overprice), hindi niya itinatago ang depekto ng paninda at hindi nanlilinlang❗
-Kung siya ay nangutang ay agad magbayad (hindi pinapatagal), hindi mahirap singilin at pinapahalagaan ang utang (hindi yong siya pa ang magagalit kapag hindi nakabayad bagkus nararapat na humingi ng despensa kung di agad makabayad)!
-Kung siya naman ang inutangan, madali siyang kausapin kapag ang umutang ay gipit sa pambayad at hindi niya pinapahiya ang umutang kung sa tingin naman niya ay talagang totoong gipit sa pagbayad at hindi manloloko dahil sa tuwing tatagal ang utang sa kanya ay para narin siyang nagkawanggawa araw araw na katulad ng laki ng kanyang pinautang!
-Dahil sa taglay nitong pagiging mapagpaseniya at mahinahon, siya ay gagantimpalaan ng pananahanan sa Paraiso at kahabagan pa siya ng Tapaglikha (Allah)❗❗❗
👉👉 Ang mga nangutang na halos lumipas na ang taon na hindi nagbayad o nagdeactivate ng account o nam-blocked ay katakutan ninyo si Allah (hindi makapasok sa Paraiso ang may utang hqngga't di nakabayad)❗✌😅
PAALAALA: Walang pagbabawal na mataas ang presyo as long as walang pananamantala (GABN) o Monopolya✌
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
-حديث :"أدخل الله عز وجل الجنة رجلا كان سهلا مشتريا وبائعا ، وقاضيا ومقتضيا" سلسلة الأحاديث الصحيحة118
-حديث : "رحم الله رجلا سمحا إذا باع، وإذا اشترى، وإذا اقتضى" رواه البخاري (2076).
✍️ Zulameen Sarento Puti