Prayer and Inspiration

Prayer and Inspiration All About Prayers and Inspirations

19/09/2026

Prayer for Courage

18/09/2026

Prayer for Healing

18/09/2026

I got over 500 reactions on my posts last week! Thanks everyone for your support! ๐ŸŽ‰

16/09/2026

Whenever we face overwhelming challenges, letโ€™s keep looking to God for help and strength.

All-powerful, all-loving God๐Ÿ™๐Ÿปโ™ฅ๏ธ๐Ÿ™๐Ÿป
16/09/2026

All-powerful, all-loving God
๐Ÿ™๐Ÿปโ™ฅ๏ธ๐Ÿ™๐Ÿป

๐Ÿ™๐Ÿปโ™ฅ๏ธ๐Ÿ™๐Ÿป
16/09/2026

๐Ÿ™๐Ÿปโ™ฅ๏ธ๐Ÿ™๐Ÿป

16/09/2026

Ang Kamatayan

Ang kamatayan ng isang tao ay dadating sa ayaw o sa gusto po natin. Ito ang araw na maaaring ikagalak ng mga taong may galit sa isang tao sa pagkamatay niya at ikalungkot naman ng mga taong tunay na nagmamahal sa kanya.

Walang taong nakakaalam po ng itinakdang araw ng kamatayan po ng isang tao pero sigurado mahaba ang buhay ng taong sumusunod po sa Panginoon (-Read Awit 91:14-16), ang bawat tao din po ay may kanya-kanyang paraan kung paano mamatay o sa mas maliwanag na salita hindi magkakaparehas ang kamatayan ng bawat tao.

Ito po ang araw na iiwanan ng isang tao ang lahat ng bagay na meron siya sa mundong ito.

Isa lang po ang buhay ng tao at hindi na po babalik pa ang isang tao pag namatay na. Hahatulan na po siya ng Panginoon kung saan siya dapat ibilang, sa impierno ba o sa Kaharian ng Diyos sa langit. Hindi po siya magmumulto o magpaparamdam
(-Read Hebreo 9:27)

Hindi na po mahalaga sa araw ng kamatayan kung ang isang tao ay may mataas na pinag-aralan o mababa ang pinag-aralan, kung may utang ka'ba o wala, mayaman ka'ba o mahirap, may maganda ka bang buhay o wala, sikat ka'ba o hindi, may maganda ka bang trabaho o walang trabaho, madami ka bang mga property o wala, madami bang nagmamahal sa'yo o konti lang.

Hindi na'din po mahalaga sa araw na ito kung madami ang makikipaglibing sa'yo o mabibilang lang sa kamay, maganda ba ang serbisyo sa'yo ng funeraria o ihahagis ka nalang sa hukay.

Lahat ay walang kabuluhan sa araw po na ito dahil ang pinakamahalaga na po dito ay kung saan na mapupunta ang kaluluwa mo.

Hindi po lahat ng namatay na tao ay Rest In Peace (Nasa Kapayapaan ang kaluluwa) , may kasiguraduhan lamang po nasa Rest In Peace ang kalagayan ng isang tao kung ginagampanan niya ang dapat para sa Panginoon nang siya ay nabubuhay (-Read Juan 3:36).

At may isa pa na may kasiguraduhan po na nasa Rest In Peace ang isang taong namatay kahit makasalanan po kung nakahingi ng tawad sa mga kasalanan sa Panginoong Jesus bago bawian ng buhay (-Read 1 Juan 1:9). Ang huwag lang po mangyari ay mamatay ng biglaan na hindi handa sa kamatayan.

Sa kagandahang-loob ng Diyos ay naligtas ang tao ngunit ang abusado sa habag ng Diyos ay walang kaligtasan (-Read Efeso 2:8, Colosas 3:25)

Madaming tao ang namatay ng wala pa sa tamang panahon, nangyayari po ito dahil sa kakulangan ng karunungan, dahil sa kapabayaan sa sarili, kulang ng pagdidisiplina sa sarili at minsan dahil sa kagagawan na'din po ng ibang tao.

Isa lamang po ang iiwanan ng tao sa kanyang pagkamatay, ito po ay ang kanyang pangalan o pagkatao kung sino siya nang nabubuhay pa. Minamahal ang tao kapag buhay pa hindi kapag patay na, ganito po ang ginagawa ng mga taong mapagmahal at may takot sa Panginoon.

Lahat ng mga tao, masama at mabuti ay haharap po sa Panginoong Jesus isang araw para hatulan sa kanyang gawang lihim o lantad, may nakakita man o wala nang siya ay nabubuhay pa sa mundo nating ito.

Kaya gawin po natin kung ano ang tama sa paningin ng Panginoon habang tayo po ay nabubuhay. Sumunod po tayo sa Panginoon dahil hindi po tayo sumusuntok sa hangin sa pagsunod po natin.

Lahat ay may kabuluhan sa ating pagsunod sa Panginoon. Kung paano pinaghahandaan po natin ang kinabukasan/future natin mas higit na mabuting paghandaan ang kamatayan dahil ano ang kabuluhan ng maging maganda ang kinabukasan/future mo kung pupunta ka naman ng impierno.

Walang kabuluhan, walang halaga ang lahat ng bagay.
Mangangaral/Ecclesiastes 1:2

Kung paanong tayo'y walang dala nang sumipot dito sa daigdig, wala rin tayong madadala pagpanaw natin. Wala tayong madadalang anuman sa ating pinaghirapan.
Mangangaral/Eclesiastes 5:15

"Hubad akong lumabas sa tiyan ng aking ina, hubad din akong babalik sa alabok/alikabok.
Job 1:21

At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;
Hebreo 9:27

Sapagkat bawat isa ay haharap sa hukuman ni Cristo upang tumanggap ng kaukulang ganti sa kanyang ginawa, mabuti man o masama, nang siya'y nabubuhay pa sa daigdig na ito.
2 Corinto 5:10

At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.
Pahayag 20:12

GLORY TO GOD โ˜๏ธโ˜บ๏ธ

Ctto RM Aco

16/09/2026

When we place our trust in Jesus, His resurrected life becomes oursโ€”forever.

16/09/2026

Give all your burdens to Jesus.

15/09/2026

God's Word to Live.

Address

Cavite

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Prayer and Inspiration posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share