04/09/2025
“Mama maganda ba ako? Bakit hindi nagpa-picture si teacher sa akin?” 🥺
Hello po, sana may makapagbigay ng advice sa akin dito. Buwan ng Wika po sa school ng anak ko noong nakaraan kaya naka-costume po sila. Maganda po ang costume ng anak ko, pinaghandaan po talaga namin.
Nagulat na lang po ako kasi pag-uwi niya parang hindi siya masaya. Kaya tinanong ko siya kung kumusta ang experience niya. Bigla siyang umiyak at sabi niya,
“Mama, maganda ba ako?” Sabi ko,
“Syempre naman anak, ang gandang-ganda mo.”
“Bakit hindi nagpa-picture si teacher sa akin?”
“Baka busy lang siya anak, kanina ‘di ba ang dami niyang ginagawa.”
“HIndi Mama, noong nakaraan din ayaw niya magpa-picture sa akin. Pero yung mga friends ko sinabihan niyang ang pretty tapos nagpa-picture siya sa kanila at pinost niya sa Facebook.”
“Baka nagkataon lang anak. Hayaan mo, marami naman tayong pictures tsaka nagpa-picture din sa’yo sila Tita mo at pinost ka sa Facebook.”
Hindi ko alam kung saan nakuha ng anak ko ang idea na yun. Pero nung nakaraan, umuwi rin siya sa bahay na umiiyak kasi sinabihan daw siyang “maitim” ng teacher niya. Ginawa raw siyang example tapos pinagtawanan daw siya ng mga classmates niya. Kinausap ko yung teacher at sabi niya example lang naman daw yun sa pagiging unique ng skin color ng isa’t isa.
⸻
Pinaiintindi ko rin sa anak ko na maganda siya kahit dark yung skin niya, pero hindi ko kontrolado ang mga tao sa labas.
“Mama, kung normal yung kulay ko, bakit yung mga nasa TV mapuputi…”
Kahit anong paliwanag ko, parang nai-insecure talaga siya sa kulay niya. Noong bata rin ako, nabu-bully rin ako dahil maitim ako. Ayoko sanang maranasan ng anak ko. 😔 Paano niyo ba pinaliwanag sa anak ninyo ang ganito?
Mommy Hayds
20**
**o